HINILING ANG PAGDEDKLARA NG PERSONA NON GRATA KAY BOKAL KARLA ADAJAR-LAJARA

📌 HINILING ANG PAGDEDKLARA NG PERSONA NON GRATA KAY BOKAL KARLA ADAJAR-LAJARA
Isinagawa ang EN BANC Meeting ng Sangguniang Bayan ng Calauan noong Enero 22, 2026 sa Session Hall ng Calauan. Tinalakay sa pulong ang kolektibong hinaing ng mamamayan at iba’t ibang Civil Society Organizations (CSO) ng bayan. 🏛️
Sa nasabing talakayan, isinulong ang panawagan na ideklarang Persona Non Grata si Karla Monica Adajar‑Lajara kaugnay ng naging pahayag nito laban kay Punong Bayan Roseller “Osel” G. Caratihan, na ayon sa mga sektor ay hindi umano naaayon sa pamantayan ng wastong asal, etika, at propesyonalismo ng isang halal na opisyal. ⚖️
Binigyang-diin ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan na ang hakbang ay nag-ugat sa boses at paninindigan ng taumbayan, bilang bahagi ng demokratikong proseso at pananagutan ng mga opisyal sa kanilang nasasakupan. 🤝
Sa kabuuan, layunin ng panawagang ito na mapanatili ang dangal ng lokal na pamahalaan at maisulong ang disiplina, paggalang, at etikal na pamumuno sa bayan ng Calauan. 🇵🇭
#StraightNews
#CalauanLaguna
#PersonaNonGrata
#SangguniangBayan
#GoodGovernance