Barangay Information Officers Network (BION) Pinagtibay ang Komunikasyon sa Grassroots Level sa Ika-3 Pagtitipon sa Majayjay, Laguna

Barangay Information Officers Network (BION) Pinagtibay ang Komunikasyon sa Grassroots Level sa Ika-3 Pagtitipon sa Majayjay, Laguna
Bilang bahagi ng pagpapalakas ng komunikasyon sa grassroots level at paglaban sa maling impormasyon, pinangunahan ng Provincial Information Office (PIO) sa pamumuno ni Danilo Lucas ang Ika-3 Barangay Information Officers Network (BION) ang pagtitipon na ginanap sa Majayjay Elementary School. Ang inisyatibong ito, na buong suportang isinusulong ni Governor Sol Aragones, ay naglalayong bigyang kapangyarihan ang mga Barangay Information Officers (BIOs) bilang mahalagang katuwang sa pagsusulong ng katapatan, tamang impormasyon, at kahandaan sa panahon ng sakuna sa buong lalawigan ng Laguna.
Ginanap ngayong Oktubre 14, 2025, dinaluhan ang pagtitipon ng mga Barangay Information Officers mula sa mga bayan ng Majayjay, Luisiana, at Magdalena. Layunin nitong mapalakas ang kanilang kakayahan sa wastong pagpapalaganap ng impormasyon, responsableng paggamit ng social media, at epektibong pakikipag-ugnayan sa panahon ng mga emergency at gawaing pangkomunidad.
Ang naturang aktibidad ay inorganisa ng PIO sa pakikipagtulungan kay Laguna Information Officers Network Provincial Coordinator Maricar Palacol, at sa suporta ng mga alkalde ng Majayjay, Luisiana, at Magdalena.

Kabilang sa mga tagapagsalita mula sa Philippine Information Agency (PIA) CALABARZON) sina Charmaine Odong at Christopher Hedreyda, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman sa Basic Event Captioning and Social Media Etiquette at Debunking Fake News, Disinformation, and Data Privacy.
Nagbigay rin ng makabuluhang mensahe ang beteranong mamamahag na si Doland Castro at binigyang diin niya ang kahalagahan ng mga BIOs sa paghahatid ng tumpak at napapanahong impormasyon sa publiko.
“Kailangan natin ipakita sa ating mga kababayan ano ba ang nangyayari ngayon,” ani Castro.
“Mahalaga po ang gampanin ng ating mga Barangay Information Officers,” dagdag pa niya.

Sa patuloy na suporta ni Governor Sol Aragones, ang Barangay Information Officers Network (BION) ay nagsisilbing matatag na daluyan ng komunikasyon mula barangay, municipal, hanggang provincial level na nagtitiyak na ang tama, at beripikado na impormasyon ay maipararating sa bawat mamamayan ng Laguna.

Post a Comment

0 Comments