BUONG SUPORTA KAY KONSIYAL ARVIN MANGUIAT SA PCL ELECTION, PINATUNAYAN NG MGA LIDER SA LALAWIGAN

BUONG SUPORTA KAY KONSIYAL ARVIN MANGUIAT SA PCL ELECTION, PINATUNAYAN NG MGA LIDER SA LALAWIGAN

 LAGUNA– Pinatunayan ng mga pangunahing lider ng probinsya na hindi peke ang balitang malakas ang suporta kay Calamba City Councilor Arvin Manguiat para sa nalalapit na halalan ng Philippine Councilors League (PCL) – Laguna Chapter.
Buong puwersa ang ipinakitang suporta ni Laguna Governor “Sol” Aragones, Vice Governor JM Carait, ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at Biñan City Vice Mayor Dada Reyes, na dati ring nagsilbing PCL President. Kaisa rin sa kampanya ang mga lokal na opisyal na naniniwala sa paninindigan at adbokasiya ni Manguiat.
Kasabay nito, kasama ni Manguiat sa kanyang tiket si Councilor Winnie Nipay bilang kandidato sa pagka-Bise Presidente ng PCL. Ayon sa kanilang grupo, layunin nilang itaguyod ang “nagkakaisa sa tamang paglilingkod para sa mga Lagunense,” na tumutugon sa pangangailangan ng mas makabuluhang serbisyo publiko.

Sa kabila ng samu’t saring isyu at batikos na ipinupukol laban sa kanya, nanatiling matatag si Manguiat at iginiit na ang paninira at maling paratang ay bahagi lamang ng “fake news” na naglalayong dungisan ang kanyang pangalan at kredibilidad.
Binigyang-diin ng konsehal na higit na mahalaga ang tiwala at paniniwala ng kapwa mga halal na opisyal. Aniya, “Ang tunay na lider ay sinusukat sa kakayahan at integridad, hindi sa paninira o tradisyunal na pulitika.”

Dahil dito, naninindigan si Manguiat at ang kanyang grupo na patuloy nilang isusulong ang kanilang adbokasiya para sa pagkakaisa at makabuluhang paglilingkod sa buong Laguna, kasabay ng kanilang paglahok sa PCL elections.

Dag dag pani konsi Manguiat "Ang main ko po ay hindi natatapos sa pagiging pangulo ng pcl ang aking panunungkulan bilang lingkod bayan dahil mag hangganan ang posisyon sa politika ang hangad ko po ay ang magandang samahan bilang isang kaibigan na masasandalan ng bawat miyembro ng pcl kahit wala na ako sa politika ay mananatili parin ang turingan bilang isang kapatid nila at kasama sa paglilingkuran" 

Post a Comment

0 Comments