Sen. JV Ejercito at Gov. Sol Aragones, Magtutulungan para sa Apat na Palapag na Pagpapalawak ng Laguna Medical Center

Sen. JV Ejercito at Gov. Sol Aragones, Magtutulungan para sa Apat na Palapag na Pagpapalawak ng Laguna Medical Center

Sa isang mahalagang hakbang para mapabuti ang serbisyong pangkalusugan sa lalawigan, inanunsyo nina Laguna Governor Sol Aragones at Senator JV Ejercito ang kanilang pagtutulungan para sa apat na palapag na pagpapalawak ng Laguna Medical Center (LMC). Layunin ng proyektong ito na masolusyunan ang matagal nang problema ng siksikan ng pasyente sa naturang pampublikong ospital.

Si Governor Aragones, na matagal nang tinututukan ang kalusugan bilang isa sa pangunahing adbokasiya ng kanyang administrasyon, ay binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapalawak at pagsasa-ayos ng mga pampublikong ospital sa buong Laguna.

Sa kanilang magkasanib na inspeksyon sa LMC, inanunsyo ni Senator Ejercito, na siyang pangunahing awtor at sponsor ng Universal Health Care Law, na ang natitirang espasyo sa ospital ay gagamitin para sa pagpapatayo ng bagong gusali. 
“Ang naiwang espasyo patatayuan ng 4 story expansion ang LMC,” ani Senator Ejercito. “Magkatugma ang aming adbokasiya na ayusin ang programang pangkalusugan at ayusin ang mga ospital para maging maganda ang serbisyo para po sa mga taga-Laguna.” Kapag natapos, inaasahang maa-accommodate ng LMC ang hanggang 300 pasyente.
Kasama rin sa inspeksyon sina Dr. Odilon Inocillo, Officer-in-Charge ng Provincial Health Office, Dr. Eric Tayag, dating Undersecretary ng Department of Health at Dr. Judy Rondillo ng Laguna Medical Center. Nagpasalamat si Governor Aragones sa suporta ni Senator Ejercito at sinabi, “Dahil ang puso niya rin talaga para sa kalusugan and mahal ka rin ng Laguna.”

Tampok ang Mental Health Services
Ipinakilala ni Dr. Rondillo ang mental health unit ng ospital na ngayon ay may bagong hired na psychiatrist. Ayon kay Senator Ejercito, “Challenge sa provincial hospitals ang mga kakulangan sa gamit at facility kaya kailangan namin iti pagtulungan ni Gov dito sa Laguna.” Upang matiyak ang maayos na koordinasyon, isinama ni Senator Ejercito ang kanyang Chief of Staff upang direktang makipag-ugnayan kay Governor Aragones.
Sa pagsisimula ng proyektong ito, muling tiniyak ni Governor Sol Aragones ang kanyang dedikasyon na maihatid ang mas maayos at mas mabilis na serbisyong medikal sa bawat Lagunense. Isang patunay na sa ilalim ng kanyang pamumuno, tunay na may GOByernong may SOLusyon.

Post a Comment

0 Comments