De Lima nanatiling matatag
Calamba, Laguna - Taas noo na ipinagmamalaki ng dating Senador Leila de Lima na isa siyang human rights defender at social justice champion matapos lampasan ang mga huwad na kasong isinampa laban sa kanya noong taong 2017 para sa pagsasalita ng katotohanan sa kapangyarihan.
Si Leila de Lima ay nakulong sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na namuno sa tinatawag na “war on drugs” na kumitil ng libu-libo sa bansa. Isang senador noong panahong iyon, si Leila ay isa sa mga pinakakilalang kritiko ni Duterte na sinampahan ng kaso laban ang testimonya ng saksi na kalaunan ay binawi ngunit nagtagal si De Limang halos pitong taon sa bilangguan.
"Dahil sa patuloy na hindi makatarungang pagkulong, marami akong nalampasan na lumahok sa mga sesyon at mahahalagang debate sa Senado, ngunit regular akong nagtatrabaho sa paghahain ng mga panukalang batas at mga resolusyon at itulak ang pagpasa ng ilang mga panukalang batas bilang mga batas bilang Tagapangulo ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development," wika niya.
Dagdag pa ni De Lima, “Tanging papel at ballpen lamang ang gamit ko dahil walang access sa internet, walang mahahalagang kagamitan na kailangan upang maayos na magampanan ko ang tungkulin bilang isang mambabatas na nahalal na nararapat sa Republika, ngunit hindi ito naging hadlang sa pagbalangkas ng mga panukalang batas at resolusyon.”
Ang naipasa na mga batas ng dating senadora bilang principal author at sponsor na ngayon ay napapakinabangan ng mga Pilipino ay ang Magna Carta of the Poor at ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps; Community-Based Monitoring Act at
National Commission of Senior Citizens Act bilang committee at co-author.
Patuloy na layunin ni De Lima ang mga pangunahing adbokasiya – karapatang pantao at katarungang panlipunan, demokrasya at panuntunan ng batas. | Shekinah Pamatmat
0 Comments