Rizal, Laguna — Matagumpay na isinagawa ang Agri-Kita Program at Memorandum of Understanding Signing sa bayan ng Rizal, noong Pebrero 6, 2024. Ang pinirmahang MOU ay sa pagitan ng i-Unlad Kabuhayan, Eunlad Cooperative, lokal na pamahalaan ng bayan ng Rizal at ng pamahalaang panlalawigan.
Pinangunahan ni i-Unlad Kabuhayan Chairman Edith “Wowee” Manguera at Eunlad Coop Chairman na si Mr. Yuan Saligumba ang pag-ikot sa lalawigan ng Laguna upang magbigay ng libreng fertilizer.
Nakasama rin sa programa si Mayor Vener Muñoz, Vice Mayor Antonino Aurelio, 2nd District Congresswoman Ruth Hernandez na siyang kumatawan kay Gov. Ramil Hernandez at Municipal Agriculturist na si Dr. Aldwin Subijano.
Ayon kay Chairman Wowee, “Halos 500 magsasaka ang nakinabang at nabigyan ng ating EupaGrow organic fertilizer. Nagbigay ang i-Unlad Kabuhayan ng 1 litro ng fertilizer, 2 litro mula kay Gov. Ramil Hernandez at 2nd District Congresswoman Ruth Hernandez, at 1 litro mula naman sa LGU Rizal. Gumagawa po tayo ng paraan upang wala na talagang bayaran ang ating mga magsasaka.”
“Tayo po ay papuntang Leyte sa darating na Abril, sa 11 bayan doon sy magkakaloob po tayo P20 per kilo ng bigas, makatapos po nito ay ang Laguna na ang makakaranas ng ating P20 kilo ng bigas.” dagdag pa ng Chairman.
Layunin ng Agri-Kita Program na matulungang maitaas ang antas ng pamumuhay at mas mapaunlad ang kalidad na ani
ng mga magsasaka sa naturang bayan. Ito ay sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng organic fertilizer sa mga bayaning magsasaka sa naturang bayan. Ang mga magsasaka ay magiging kasapi na ng kooperatiba na magbibigay sa kanila ng dagdag na benepisyo gaya ng kita mula sa dibidendo, hospitalization, burial assistance at mga diskwento sa pagtangkilik ng mga produkto.
Sa mga nakalipas na araw ay napuntahan na ng i-UNLAD at Eunlad Marketing Cooperative ang bayan ng Luisiana, Pakil, Pangil, Sta. Maria, Sta. Cruz, Majayjay, Magdalena, Rizal, Famy, Siniloan, Pila, Victoria, Mabitac, at Paete. | Shekinah Pamatmat SJ Creates
0 Comments