Ayon sa senador, “Kapag fully operational na ang Calamba City Super Health Center, tutugon na ito sa mga medikal na pangangailangan ng mga residente, lalo na ang mga nakatira sa malalayong lugar.”
Ang Super Health Center ay magkakaloob ng primary care at konsultasyon para agad malaman ang sakit ng pasyente at hindi na lumala pa.
Pinasalamatan naman ni Senator Bong Go ang lokal na pamahalaan sa pangunguna nina Mayor Roseller Rizal at Vice Mayor Angelito Lazaro at ilang local health officials ng Calamba City sa pakikipagtulungan sa kanyang tanggapan para maisakatuparan ang pagpapatayo ng Super Health Center sa kanilang lugar. | Shekinah Pamatmat
0 Comments