VICE MAYOR KIDLAT ANG HAHALILI BILANG MAYOR NG SILANG, HINDI ANG 2ND PLACER — SUPREME COURT

VICE MAYOR KIDLAT ANG HAHALILI BILANG MAYOR NG SILANG, HINDI ANG 2ND PLACER — SUPREME COURT

Nilinaw ng Korte Suprema na ang Bise Gobernador o Bise Mayor, depende sa lokal na posisyon, ang dapat humalili sa nabakanteng puwesto ng gobernador o alkalde, at hindi ang kandidatong pumangalawa sa halalan.

Ito ay matapos pinal na tanggihan ng En Banc ng Korte Suprema ang motion for reconsideration na inihain ni Datu Pax Ali S. Mangudadatu sa G.R. Nos. 260219 at 260231 noong Agosto 26, 2026.

Pinagtibay ng Korte ang nauna nitong desisyon na nagpanatili sa pagkansela ng certificate of candidacy ni Mangudadatu para sa pagka-Gobernador ng Sultan Kudarat.

Kasabay nito, tuluyan nang inabandona ng Korte Suprema ang tinatawag na “second placer rule,” kung saan ang kandidatong nakakuha ng ikalawang pinakamataas na boto ay idinedeklarang panalo kapag nadiskuwalipika o napatunayang hindi kwalipikado ang nangunang kandidato.

Ayon sa Korte, walang batas na nagpapahintulot sa paggamit ng second placer rule. Sa halip, kinikilala ng Konstitusyon bilang nahalal ang kandidatong nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto.

Kapag nagkaroon ng permanenteng bakante dahil napatunayang hindi kwalipikadong manungkulan ang nanalong kandidato, dapat itong punan alinsunod sa mga probisyon sa succession ng Local Government Code.

Dahil dito, ang Bise Gobernador ang hahalili sa posisyon ng Gobernador para sa natitirang bahagi ng termino, sa halip na ideklarang panalo ang second placer.

Nilinaw naman ng Korte Suprema na limitado ang naturang ruling sa mga lokal na halal na posisyong saklaw ng Local Government Code. Hindi nito tinukoy kung naaangkop ang second placer rule o mga panuntunan sa succession sa mga pambansang halal na posisyon.

Balita Ngayon Online News 
DILG Philippines 
#JonvicRemulla

Post a Comment

0 Comments