SAN PABLO CITY MAYOR CAMELA ACEBEDO, NAGPASALAMAT KAY BM ANGELICA JONES ALARVA SA SOLAR STREET LIGHTS

SAN PABLO CITY MAYOR CAMELA ACEBEDO, NAGPASALAMAT KAY BM ANGELICA JONES ALARVA SA SOLAR STREET LIGHTS

SAN PABLO CITY, LAGUNA — Agosto 20, 2026 — Nagpaabot ng pasasalamat si San Pablo City Acting Mayor Camela A. Acebedo kay Board Member Angelica Jones Alarva sa ipinangakong tulong nitong solar street lights para sa lungsod.

Ayon kay Acting Mayor Acebedo, malaking tulong ang mga solar street lights sa pagpapalakas ng seguridad at pagbibigay-liwanag sa mga lugar na nangangailangan ng karagdagang ilaw, partikular sa mga komunidad at kalsadang madilim pagsapit ng gabi.

“Thank you, BM Angelica Jones Alarva, for your generosity.”
Binigyang-diin ng acting mayor ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga lokal na opisyal upang maipatupad ang mga proyektong direktang makikinabang ang mga mamamayan ng San Pablo City.

Samantala, ipinahayag naman ni BM Angelica Jones Alarva ang kanyang buong suporta sa mga programa at pangangailangan ng San Pablo City, kabilang ang mga proyektong makatutulong sa kaligtasan at kapakanan ng mga residente.

Ayon kay Alarva, ang pagbibigay ng solar street lights ay bahagi ng kanyang patuloy na pakikiisa sa mga lokal na pamahalaan at komunidad upang magkaroon ng mas ligtas, maliwanag at maayos na kapaligiran ang mga mamamayan.
Ulat ni Roy Tomandao 
Balita Ngayon Online News 

Post a Comment

0 Comments