Mega Clinic Project, Umabot sa Mahigit 2 Milyong Views at Nakatanggap ng Malawak na Suporta ng mga Lagunense

Mega Clinic Project, Umabot sa Mahigit 2 Milyong Views at Nakatanggap ng Malawak na Suporta ng mga Lagunense

Nagkamit ng malawak na suporta mula sa mga Lagunense ang panukalang Mega Clinic ni Governor Sol Aragones, kasabay ng pag-abot sa mahigit dalawang milyong views ng video announcement nito sa social media. Marami ring mamamayan ang nagpahayag ng kanilang pagsang-ayon at nagbigay ng mga mungkahi upang higit pang mapahusay ang pasilidad. Kabilang sa mga rekomendasyong natanggap ang pagdaragdag ng dental clinic, paglalagay ng physical therapy unit sa unang palapag para sa mas madaling pag-access, at pagkakaroon ng CT scan facility.

Nagpasalamat si Governor Aragones sa mga mamamayan ng Laguna sa kanilang suporta at aktibong pakikilahok sa paghubog ng proyekto. Aniya, mahalaga ang mga suhestiyon ng publiko upang mas matugunan ng Mega Clinic ang mga pangangailangan ng mga Lagunense sa usapin ng pangangalagang pangkalusugan.