*Biblical values at malinaw na layunin, susi sa pagbabago ng bansa — Cayetano*


*Biblical values at malinaw na layunin, susi sa pagbabago ng bansa — Cayetano*

Sa paggunita sa Bible Month, binigyang diin ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Biyernes na hindi sa pera, impluwensiya, o yaman nasusukat ang tagumpay kundi sa pagiging tapat sa sariling layunin at sa mga aral ng Bibliya.

Sa kanyang talumpati sa Laguna Pastors and Workers Summit 2026 noong January 30, ipinaliwanag ni Cayetano ang tinawag niyang “5 Ps of the Bible” — power, purpose, potential, principle, at people — na aniya’y nagsisilbing gabay sa pag-unawa kung paano dapat tingnan at isabuhay ang tagumpay.

Ayon sa senador, ang kahulugan ng tagumpay ay hindi ibinabatay sa laki ng impluwensiya, kasikatan, o dami ng pera, dahil ilalayo nito ang tao sa kanyang tunay na layunin.

“Ang sinungaling will tell you that success is the number of likes on your Instagram or Facebook. Success is the number in your bank account. Success is the number of people who go to your church,” wika niya.

“Ang success ay nakatali sa purpose mo… The Bible is a book of power. The Bible is a book of potential. The Bible uses people,” dagdag niya.

Binigyang diin ng senador na malinaw at hindi nagbabago ang mga aral ng Bibliya na nagsisilbing gabay sa araw-araw.

“You cannot debate principle… Kung ano ang iyong itatanim, iyon ang iyong aanihin,” wika niya.

Sa kanyang mensahe sa mga pastor at church workers, hinikayat ni Cayetano ang patuloy na pananalangin at paggabay upang manatiling malinaw ang direksiyon ng mga tao at hindi mawala sa tamang pagpapahalaga.

“Pag pinagpe-pray niyo po ang inyong mayors, congressmen, kapitan… ipag-pray niyo i-reveal ni Lord sa kanya ang [kanilang] potential,” wika niya.

Tiwala si Cayetano na ang tunay na pag-unlad ay nakakabit sa pagsasabuhay sa Biblical values hindi lamang sa loob ng faith communities kundi pati sa araw-araw na pamumuhay.

“Kung babalik tayo sa basic na ang Bible ay salita ng Diyos… follow its principles. Then you will feel its power. You will see your purpose. You will see your potential,” wika niya. ###