Pagdadala ng Ginhawa: Akay ni Sol Mobile Botika, Umabot sa Libo-libong Taga-Laguna

Pagdadala ng Ginhawa: Akay ni Sol Mobile Botika, Umabot sa Libo-libong Taga-Laguna

Bilang patunay ng kanilang hangaring mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat mamamayan, inilunsad ng Akay ni Sol Partylist ang Mobile Botika program sa apat na bayan sa Laguna. Calamba, Liliw, Lumban, at Rizal na nakinabang ang libo-libong residente, lalo na ang mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs).

“Tuloy-tuloy po ang pag-akay ng Akay ni Sol Partylist sa bawat Lagunense,” saad ni Doland Castro, kinatawan ng Akay ni Sol Partylist, na muling pinagtibay ang layunin ng grupo na maghatid ng kongkretong tulong sa mamamayan. Bahagi ito ng kanilang adbokasiyang pangkalusugan na tumutugon sa lumalaking pangangailangan ng mga mahihirap nating kababayan para sa tuluy-tuloy at abot-kayang gamutan. Sa pagbibigay ng mga branded maintenance medicine para sa altapresyon, diabetes, cholesterol, at iba pang age-related conditions nang libre, nabawasan ang bigat ng gastusin para sa maraming pamilya.

“Malaking tulong po ito sa mga kababayan natin dito sa Calamba. Maraming salamat po, Gob Sol,” ani ng isang nakatatandang lalaki na nakatanggap ng buwanang supply ng kanyang maintenance medicine mula sa programa.

Mula naman sa Lumban, ibinahagi rin ng isang senior citizen ang kanyang pasasalamat: “Malaking tulong po sa amin na may libreng maintenance, di na po kailangan bumili, kaya nagpapasalamat po kami ng marami kay Gob Sol Aragones.”

Hindi lang simpleng pamimigay ng gamot ang layunin ng programa kundi ang pagpaparamdam na ang bawat mamamayan, lalo na ang mga matatanda at may kapansanan, ay hindi dapat mapag-iwanan pagdating sa kanilang kalusugan. Sa marami, ang ganitong inisyatibo ay nagbibigay ng dignidad at kapanatagan, dahil alam nilang hindi sila nakakalimutan.

Nagsisilbi rin ang Mobile Botika bilang ehemplo ng makabuluhang pamamahala isang GOByernong may SOLusyon na tunay na tumutugon, may malasakit, at inuuna ang kapakanan ng bawat isa.

Habang patuloy na umiiikot ang Akay ni Sol Partylist sa iba’t ibang komunidad, ang Mobile Botika ay hindi lamang basta roving pharmacy isa itong simbolo ng pag-asa, at patunay na ang tapat at may pusong serbisyo-publiko ay kayang magdala ng tunay na pagbabago. 
Ulat ni Roy Tomandao 

Post a Comment

0 Comments