๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ถรฑ๐ฎ๐ป-15๐๐ต ๐๐ถ๐๐๐ต๐ผ๐ผ๐ฑ ๐๐ป๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐
Biรฑan City - Iba't ibang aktibidad ang minarkahan sa ika-15 anibersaryo ng pagiging lungsod ng Biรฑan ngayong araw ng Linggo, Pebrero 2.
Pinangunahan ni Biรฑan City Mayor Atty. Arman Dimaguila ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Grand People's Parade na nilahukan ng mga sangguniang barangay, guro, mga estudyante upang ipagdiwang ang mga makasaysayang tagumpay bilang Biรฑanense. Pinasinayaan rin sa unang araw ng selebrasyon ang makabagong elevated parking at sining tanghalan sa lungsod.
Ang pagdiriwang ng cityhood ay magiging jampacked dahil ito ay kasabay ng paggunita gaya ng 80th Liberation Day na gaganapin sa Pebrero 3 at 278th Foundation Commemoration sa araw ng Martes, Pebrero 4.
Sa pahayag ni Mayor Arman Dimaguila, ang sining tanghalan ay magsisilbi kung paano nakikita ang kultura. Sa sining tanghalan ay higit na mahuhubog ang mga talento ng mga Biรฑanse at sa lugar rin na ito makikita ng mga karatig lungsod at bayan kung gaano kahusay ang mga Biรฑanse. At ang proyektong elevated parking ang kukumpleto upang mas maging maayos ang plaza.
Naging panauhing pandangal si Mr. Ryan Cayabyab na alamat sa kultura at sining ng Bansa, na nagbigay ng papuri kay Bryan Borja-Tourism officer ng lungsod sapagkat isa siya sa buong Pilipinas na kabilang sa sa mga manggagawang pangkultura. Aniya, hindi makakamtan ni Borja ang mga papuri kung 'di dahil na rin sa tulong at suporta ni Mayor Arman, Vice Mayor Gel Alonte at maging ng buong sangguniang panglungsod. Ideneklara rin na ang taong 2025 ay ang Biรฑan Arts Day. Nakatalaga rin naman buksan na sa publiko ang mga proyektong pabahay at mga paaralan na makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng lungsod.
Sa nakalipas na labinlimang taon, ang Biรฑan bilang munisipalidad ay naging ganap na lungsod, sa ilalim ng Republic Act No. 9740 (AN ACT CONVERTING THE MUNICIPALITY OF BIรAN IN THE PROVINCE OF LAGUNA INTO A COMPONENT CITY TO BE KNOWN AS THE CITY OF BIรAN). | Shekinah Pamatmat
0 Comments