𝙈𝙄𝙔𝙀𝙈𝘽𝙍𝙊 𝙉𝙂 𝙉𝙊𝙏𝙊𝙍𝙄𝙊𝙐𝙎 𝘾𝙍𝙄𝙈𝙄𝙉𝘼𝙇 𝘾𝙔𝙉𝘿𝙄𝘾𝘼𝙏𝙀 𝙎𝘼 𝙅𝘼𝙋𝘼𝙉 𝘼𝙍𝙀𝙎𝙏𝘼𝘿𝙊 𝙎𝘼 𝙇𝘼𝙂𝙐𝙉𝘼


MIYEMBRO NG NOTORIOUS CRIMINAL CYNDICATE SA JAPAN ARESTADO SA LAGUNA 


San Pablo City-  Bitbit ng miyembro ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit , PNP-IG at San Pablo City Police ang warrant of arrest na mula pa sa Tokyo Summary Court na may petsang January 20,2023 sa kaso naman Theft in violation of Art 235 of the Japanese Penal Code 

Ay agad nadakip ng pinagsanib na elemento ang akusado na kinilalang Alyas Takashi 44 anyos Isang Japanese National noon lunes January 27 sa panulukan ng Savana Subdivision Brgy.Soledad San Pablo City Laguna ganap na ika-6 ng hapon .

Lumalabas sa ulat na nambibiktima umano ito ng matatandang hapon at nanakawin ang mga ATM hangang makuha ang lahat ng impormasyon maging ng bangko dahil sa pagpapanggap din nitong finance officer.

Ayon sa Bureau of Immigration miyembro ng notorious criminal cyndicate ang hapon sa kanilang bansa na "Luffy Gang" na itinuturong din nag-ooperate naman ng Telecom Fraud  extortion scheme dito sa Pilipinas.

Sa mga oras na ito ay pansamantalang nakapiit sa  custodial facilities ng Bureau of Immigration si Takashi .Habang iniaayos ang mga dokumento para sa deportation ng hapon.(Kevin Pamatmat)

Post a Comment

0 Comments