ITINUTURONG ILIGAL NA POGO HUB SA BAGAC, BATAAN SINALAKAY NG POACC
Ni;Kevin Pamatmat
BATAAN- Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Anti-Organized Crime Commission-PAOCC sa pangunguna ni Usec.Gilbert Cruz , Armed Forces of the Philippines , DOJ-Inter-Agency Council Against Trafficking, at ng Philippine National Police-CIDG.
Ang itinuturong Iligal POGO Hub sa bahagi ng Bagac,Bataan. Isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Hon.Judge Herminigildo Dumalo of RTC Malolos Bulacan.
Sakop ng search warrant para halughugin ang 7 building na nakatayo sa dalawang ektaryang lupa. Na matatagpauan sa Parang Village Bagac, Bataan.
Umabot naman ng mahigit 900 mga pinoy at 42 foreign nationals ang namataan sa umano sa POGO hub na sinalakay kamakailan lamang.
Ayon sa dating tagapagsalita ng PAOCC na si Winston Casio, may mga concern citizen na nag magandang loob na nagbigay sa kanila ng tamang impormaryon batay sa ilegal na operasyon ng POGO Hub.
Dagdag pa ni Casio, patuloy pa nilang iniimbistigahan ang insidente. Kung may kinalaman ang mga dayuhang na nahuli sa iba pang mga sinalakay na POGO Hub ibat-ibang panig ng bansa
Wala naman indikasyon umano na may torture chamber sa mga silid .Base sa ikinasang operasyon ng Philippine Anti-Organized Crime Commission. (Kevin Pamatmat)
0 Comments