MPT South, nakiisa sa International Coastal Cleanup 2024
Santa Rosa City, Laguna—Noong September 21, 2024, ang Metro Pacific Tollways
South (MPT South), isa sa mga subsidaryo ng Metro Pacific Tollways Corporation
(MPTC), ay nakiisa sa International Coastal Cleanup 2024 ng Santa Rosa City
Environment and Natural Resources Office (CENRO) na ginanap sa baybayin ng
lawa ng Laguna, Barangay Caingin, Santa Rosa City, Laguna.
42 empleyado ng MPT South mula sa iba’t-bang departamento nito ang lumahok sa
International Coastal Clean-up upang ipakita kaniya-kaniyang suporta at dedikasyon
para sa environmental initiative na ito.
Ang International Coastal Cleanup 2024 ay dinaluhan ng higit sa isang libong
volunteers mula sa iba't ibang kumpanya at organisasyon sa Sta. Rosa upang
matugunan ang lumalaking isyu ng polusyon sa plastik at basura na nakakasira sa
baybayin at katubigan, at sa mga komunidad na nakapalibot dito. Isinasagawa ang
event na ito bawat taon upang alisin ang mga basura mula sa mga baybayin at itaas
ang kamalayan ng mamamayan tungkol sa kahalagahan ng pagprotekta ng ating
mga katubigan gaya ng ilog, dagat, lawa, at karagatan.
Sa Point B ng baybayin ng Brgy. Caingin itinalaga ang paglilinis ng mga empleyado
ng MPT South, kung saan sila tumulong mangolekta ng mga basura at linisin ang
bahaging iyon ng Laguna de Bay. Nakahakot ng mahigit na 2,016.5 kg na basura
ang lahat ng naglinis sa Point B ng baybayin. Sa kabuuan, ang lahat ng mga
nakolektang basura sa paglilinis ng baybayin ng lawa ay umabot ng 591 sako ng
basura, ang mga ito ay naglalaman ng mga sumusunod: 126.5 kg ng PET bottles,
611 kg ng plastic laminates, 2,938 kg ng residuals, at 314.3 kg ng special waste—ito
ay nagreresulta sa 3,989.8 kg na basurang nakolekta mula sa baybayin ng Brgy.
Caingin.
Ang coastal cleanup ay bahagi ng mas malawak na CSR efforts ng MPT South na
nagbibigay-diin sa pangangailangan na protektahan at mapanatili ang natural
environment sa mga lugar na pinaglilingkuran nito. Sa pamamagitan ng programang
ito, ipinapakita ng kumpanya ang dedikasyon nito hindi lamang upang mapabuti ang
transportasyon sa pamamagitan ng mga expressways nito, kundi pati na rin upang
maprotektahan ang ecosystems na nakapaligid sa mga komunidad nito.
Ayon kay Ginang Arlette V. Capistrano, Vice President for Communication and
Stakeholder Management ng MPT South, “As a company deeply connected with
communities across South Luzon, we take our environmental responsibilities
seriously. We look forward to always being a part of the International Coastal
Cleanup. MPT South is dedicated to being a strong advocate for environmental
protection and sustainability.”
Patuloy na sinusuportahan ng MPT South ang pagkakaroon ng mga environmental
initiatives at pagsagawa ng sustainable practices upang makatulong sa mga
komunidad at kalikasan. Layon din ng MPT South na manatiling nakatuon sa
environmental protection efforts na isang hakbang tungo sa pagpapataas ng antas
ng community development at environmental awareness.
Ang MPT South ay isa sa mga subsidaryo ng Metro Pacific Tollways Corporation
(MPTC), ang infrastructure arm ng Metro Pacific Investment Corporation (MPIC).
Maliban sa mga toll road networks ng CALAX at CAVITEX, ang MPTC’s domestic
portfolio ay kinabibilangan ng North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector
Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at ng Cebu-Cordova Link
Expressway (CCLEX) sa Cebu.
0 Comments