Cong. Amben Amante muling tatakbo bilang Kongresista sa Ikatlong Distrito ng Laguna
Congressman Amben FB PageSanta Cruz, Laguna - Upang maipagpatuloy ang mga programang sinusulong sa Kongreso, Laguna 3rd District Representative Congressman Loreto "Amben" Amante muling tatakbo bilang Kongresista sa Mayo 2025 matapos maghain ng kaniyang Certificate of Candidacy o COC sa Provincial COMELEC Office noong Oktubre 7, 2024.
Photo credit: Aldrin JullianBago pa man magsumite ng COC, ay sinimulan ang araw sa isang misa sa Nuestra Senora Del Remedios, San Pablo City, Laguna kung saan dinaluhan ng kaniyang ama na si San Pablo City Mayor Vic, asawa na si Kapitana Madette, mga anak, mga kaibigan at mga mamamayan ng ikatlong distrito.
"Ako po ay nagagalak dahil ang mga pangako natin noong nakaraang halalan ay naisakatuparan gaya ng paglalagay ng mga sattelite office sa ikatlong distrito ng Laguna, sa San Pablo, Calauan at Nagcarlan para mas maging accessible sa ating ka-distrito ang serbisyong pinagkakaloob ng ating tanggapan", pahayag ni Amante.
Matatandaan na tinutukan ni Amante sa unang pagkakaupo pa lamang noong 2022 katuwang ang mga kapwa Kongresista sa pag-amyenda sa Centenarian Law na isa rin sa natupad na mga pangako ni Amante sa kanyang ka-distrito at makikinabang na rin ang mga senior citizen sa bansa. | Shekinah Pamatmat
0 Comments