GOB. SOL ARAGONES, PINANGUNAHAN ANG PAGBUBUKAS NG LIBRENG CT SCAN SA SAN PABLO DISTRICT HOSPITAL
SAN PABLO CITY, LAGUNA — Pinangunahan ni Gobernador Sol Aragones ang opisyal na pagbubukas ng libreng serbisyo ng CT Scan sa San Pablo District Hospital ngayong Lunes, Oktubre 5, bilang bahagi ng pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan para sa mga Lagunense.
Kasabay ng pagbubukas ng CT Scan service ang pagtatalaga kay Dr. Jordan Malveda bilang bagong punong ospital ng San Pablo District Hospital.
Layunin ng programa na matulungan ang mga pasyenteng nangangailangan ng CT Scan ngunit nahihirapang tustusan ang halaga ng naturang pagsusuri.
Ayon kay Aragones, mahalaga ang pagkakaroon ng libreng CT Scan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kwalipikadong pasyente na makakuha ng kinakailangang diagnostic examination nang hindi kinakailangang pasanin ang malaking gastos.
Sinabi naman ni Dr. Malveda na malaking ginhawa ito sa mga pasyente dahil hindi na nila kailangang bumiyahe sa ibang lungsod o lalawigan upang makapagpa-CT Scan.
Inaasahang makatutulong din ang serbisyo sa mas mabilis na pagtukoy sa mga karamdaman at pagsisimula ng nararapat na paggamot.
Pinapayuhan ang mga interesadong pasyente na makipag-ugnayan sa San Pablo District Hospital para sa mga kinakailangang dokumento, kwalipikasyon at iskedyul ng serbisyo.
Ang pagbubukas ng libreng CT Scan ay bahagi ng mga hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Sol Aragones upang mapalawak ang access ng mga Lagunense sa mga kinakailangang serbisyong medikal
0 Comments