๐๐ซ๐๐ ๐๐ซ๐จ๐ฐ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ ๐ ๐ข๐ง๐๐ง๐๐ฉ ๐ฌ๐ ๐๐ขรฑ๐๐ง, ๐๐๐ ๐ฎ๐ง๐
By: Joy Esteban
Laguna - Sa isang buwang pagdiriwang ng ika-124 na Anibersaryo ng Philippine Civil Service Commission (CSC) isa ang Nationwide Tree Growing Activity sa mga programang ibinaba ng CSC. Sa inisyatibo ng tanggapan ng CSC at ng lokal na pamahalaan ng Biรฑan ay isinagawa ngayong araw September 16, 2024 ang Tree Growing Activity sa Esplanade, Barangay Dela Paz, Biรฑan City, Laguna.
Photo credit: Vice Mayor Gel FB Page
Layunin ng aktibidad na magtanim ng hindi bababa sa 10,000 puno habang makalikom ng pondo para sa Pamanang Lingkod Bayani (PLBi) Program ng CSC, na sumusuporta sa mga pamilya ng mga nasawing lingkod-bayan.
Sa National Capital Region (NCR) at Region IV, ang CSC at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nakipagtulungan sa Laguna Lake Development Authority (LLDA) upang maitanim ang 1024 na mga punla sa kahabaan ng 28 local government units na nakapalibot sa Laguna de Bay. Humigit 600 na mga government employees at volunteers ang nakiisa sa pagtatanim upang magkaroon ng epekto sa paglaban sa pagbabago ng klima.
“Itong Tree Growing Activity ay napakalaking tulong dahil ang ilang libong itatanim natin ay makakasipsip ng napakaraming tubig para hindi lahat ay pupunta sa Laguna Lake. Sa itinanim natin masaya na tayo pag 80% ay nabuhay. Kailangan natin magtanim ng maraming puno lalo na sa mga open spaces na pagmamay-ari ng gobyerno. At ang pinakamadaling magtanim ang ating mga civil servants dahil ito ay required ng CSC, ganun ang civil servants madaling sumunod.” wika ni Biรฑan City Mayor Atty. Arman Dimaguila.
Ayon kay LLDA Gen. Manager Senando, “The main reason why I suggested Chairperson Nograles na dito gawin, is because this is an LGU worthy of emulation.”
Sa mensahe ni CSC Chairperson Karlo Nograles, “Lubos po tayong nagpapasalamat sa LLDA dahil ngayong araw ay mobilize ang 16 municipalities dito sa Laguna na nagsagawa rin ngayong araw ng tree growing activity. Sa sinabi ni GM. Senando na doon naman sa Laguna Lake, kaya napili po nating program site ay dito sa Biรฑan dahil very dynamic, very active, very supportive ang Biรฑan LGU.”
Ang iba pang LGU sa lalawigan ng Laguna na nakipagtulungan sa CSC at nagsagawa ng Tree Growing Activity ay mga lungsod ng Cabuyao, Calamba, San Pedro, at Santa Rosa at mga bayan ng Bay, Los Baรฑos, Lumban, Mabitac, Paete, Pakil, Pangil, Pila, Santa Cruz, Siniloan, at Victoria.
0 Comments