NUP sa Laguna higit na lumawak

NUP sa Laguna higit na lumawak


By: Shekinah Pamatmat

San Pablo, Laguna — Higit na lumawak ang bilang ng mga miyembro ng National Unity Party (NUP) sa lalawigan ng Laguna matapos manumpa ang mga bagong kasapi mula sa ikatlo at ikaapat na distrito ng lalawigan kay Sta. Rosa Lone District Representative Congressman Dan Fernandez at Mayora Gem Gastillo-Amante sa Barangay San Jose, San Pablo City noong Miyerkules, Setyembre 17.
Ang mga bagong myembro na nanumpa na magiging tapat sa lapian ay ang mga incumbent, mga muling tatakbo at kakandidato bilang mga board member, mayor, vice mayor, at konsehales sa eleksyon sa Mayo 2025.
Bilang host sa naturang programa ay nagbigay ng isang kataga ang ama ng lungsod ng San Pablo Mayor Vic Amante, “Ang pinakamahalaga sa isang politika ay may panunungkulan na hindi lamang sa panahon ng halalan o eleksyon, hindi pwede na ikaw ay madaling lapitan pero hindi ka naman matagpuan.” 
Ayon naman kay Mayora Gem Gastillo-Amante, “Nawa tayo lahat ay patnubayan ng Dios Ama na magtagumay sa ating mga ambisyon. Naniniwala po ako na ang isang panunungkulan ay hindi lamamg trabaho o profession, ito po ay tawag at bigay ng Maykapal.”
Napasalamat naman si Congressman Dan dahil patuloy na dumarami ang mga kasapi ng NUP sa lalawigan ng Laguna gayundin dahil sa pamumuno at pag-gabay ng lider ng kanilang partido, NUP Chairman Ronaldo Puno.
Buo rin ang suporta ng Sangguniang Panglungsod ng San Pablo matapos saksihan ang naturang programa.   

Post a Comment

0 Comments