𝑷𝑹𝑶𝑱𝑬𝑪𝑻 𝑨𝑹𝑼𝑮𝑨 𝑵𝑮 𝑩𝑱𝑴𝑷 𝑺𝑻𝑨.𝑹𝑶𝑺𝑨 𝑪𝑰𝑻𝒀 𝑴𝑨𝑻𝑨𝑮𝑼𝑴𝑷𝑨𝒀 𝑺𝑨 𝑩𝑨𝒀𝑨𝑵 𝑵𝑮 𝑳𝑰𝑳𝑰𝑾


PROJECT ARUGA NG BJMP STA.ROSA CITY, MATAGUMPAY SA BAYAN NG LILIW 


LAGUNA - Nagsagawa ng outreach program ang Bureau of Jail Management and Penology BJMP Sta.Rosa City sa pamumuno ni City Jail Warden JCINSP JAY TEE P TANCANGCO, ito ay ang Project Aruga para sa (30) mga mag-aaral ng Brgy .Bayate Liliw Laguna ngayon araw ng Sabado ika-6 ng Agosto 2024. 


Sa unang programa ay ang ICT Education para sa mga bata sa pamamagitan ng Tech4ED on Wheels .Habang nakinig ang bawat bata sa kwento na labis nilang kinapulutan ng mga aral ibinahagi din dito kung paano ang tamang paggamit ng Laptop at upang malaman  ang ibang impormasyon nito. Ipinaalala din sa mga batang nagsidalo ang pag-iwas sa pangbu-bully sa kapwa bata. 

Sa panayam kay Fire Marshall JCINSP .JAY  TEE TANCANGCO kabilang sa kanilang aktibidad para sa Brgy.Bayate ay ang Project Aruga, Tech ED on Wheels, clean-up drive sa gilid ng Lapad River. Habang ang pinakatampok ng programa ay ang pamamahagi ng bags, payong,tsinelas, at thumbler.


Layunin umano ng Project Aruga na maabot ng BJMP Sta.Rosa City ang mga bata natin mag-aaral at upang maipahatid sa kanila ang kaalaman at halaga ng edukasyon na madadala nila at magagamit sa pang araw-araw nilang pamumuhay.

Ang outreach program na ito ay may tema naman  "Payong para sa Edukasyong Yumayabong".(Kevin Pamatmat)

Post a Comment

0 Comments