Pondo na Diretso sa Tao

๐—ฃ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐——๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐˜€๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ผ

Photo Credit: Dugong Bayani FB Page

By Shekinah Pamatmat 

Laguna - Matagumpay na Ulat sa Distrito ni Congresswoman Charisse Hernandez-Alcantara ng Calamba Lone District kasabay ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan na may handog na libreng konsyerto para sa mga Calambeรฑo sa Jose Rizal Plaza. 
Iniulat ni Congresswoman Cha ang estado ng Calamba mula sa kanyang tanggapan na katuwang ang lokal na pamahalaan ng Calamba City sa pamumuno ni Mayor Roseller Rizal. Sa nakalipas na dalawang taon ng pamamahala ay umabot sa 90, 400 rice packs, 1400 solar lights, mga barangay hall, multi purpose building, covered courts, flood control, at drainage ang mga naisagawang programa ng Kongresista. Humigit 44,449 Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) beneficiaries, 5709 Ayuda para sa Kapos Ang kita Program (AKAP) beneficiaries at 13, 346 Tulong Pang-hanapbuhay sa Ating
Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) beneficiaries ang nabiyayaan ng mga tulong pinansyal para mga Calambeรฑo. 
Ayon kay Cong. Cha, “Ang aming tanggapan na mismo ang lumalapit para sa inyo, gaya ng naipangako dahil na rin sa tiwala Niyo, na linggo-linggo ang buhos ng tulong at ayuda para sa ating mga kababayan na may matinding pangangailan.Tao mismo ang makikinabang sa pondo ng distrito.”

Samantala, 13, 447 ang nagawang paghahatid ng mga libreng gamot sa mga bahay ng mga pasyente na may sakit at maintenance na umabot sa halagang Php20, 000, 000 at Php200, 000, 000 para sa mga laboratory at operation na naitulong ng tanggapan ng Kongresista sa tulong na rin ng Department of Health (DOH). Ilan sa mga panukala ng Kongresista na pasado na sa House of Representative ang Calamba City General Hospital at Calamba Tesda Center na may malaking benepisyo sa mga mamamayan ng Calamba. 
Dagdag pa ni Cong. Cha, “Mas lalakihan at bibigyang espasyo natin ang mga kababayan nating Calambeรฑo gustong lumapit at humingi ng tulong. Mga taong umaasa at nagtitiwala sa opisina ng distrito. Kapag maluwag, malinis, presko at bago ang opisina, mas marami po tayong matutulungan at mas maraming magagawa para magserbisyo sa tao.”
Nakisaya at naghatid ng mga pagbati sa Kongresista sina Mayor Ross Rizal, Vice Mayor Totie Lazaro, 2nd District Representative Ruth Hernandez, mga Calambeรฑo at mga artistang bisita sa naganap na libreng konsyerto sa Linggo ng Distrito. (SHEKINAH PAMATMAT) Photo source: Cong. CHA FB PAGE

Post a Comment

0 Comments