KALSADANG PARA SA LAHAT, PINASINAYAAN SA BAYAN NG SANTA CRUZ
LAGUNA- Pinasinayahan ngayong araw, ang "Kalsada Para sa lahat" sa sitio Bukana at G.K ng Barangay Gatid Santa Cruz Laguna. na pinangunahan ni Mayor Edgar"Egay"San Luis ng Sta.Cruz Lalawigan ito
Ayon Kay Mayor San Luis " Hindi na kailangang magtiis sa putik at hirap ang mga estudyanteng papasok sa eskwela, at mas ligtas na ang bawat hakbang ng bawat isa. Ang proyektong ito ay hindi lang tungkol sa bagong kalsada at walkway shed ito ay patunay na kapag sama-sama at may pagkakaisa.".
Pinasalamatan din nito sina Konsehal Ona Pamatmat, Konsehal William Gallnoza, Konsehal Jeffrey Calasicas, at SK Jonalyn Bernardino dahil sa walang sawang suporta at pagtulong.
Dagdag pa ng Alkalde na "Ito ang serbisyong may puso, ang serbisyong totoo para sa masa. Ang ating pangarap ay ang inyong pangarap, at hindi tayo titigil hangga’t lahat ng kababayan natin ay may maayos, ligtas, at maginhawang pamumuhay
Sa kasalukuyan ay nagagamit na ang kalasadang ito na higit pang pakikinabangan ng ating mga mamamayan at ng mga susunod pang salin- lahi.(Kevin Pamatmat)
0 Comments