Mga Cayetano, namahagi ng tulong sa Cavite at Laguna

 

Sa loob ng tatlong araw, namahagi ng tulong pangkabuhayan ang mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa 407 residente mula sa Imus City at Tagaytay City sa Cavite, at Calamba City sa Laguna.


 Mula September 18 hanggang 20, 2024, namigay ang mga kinatawan ng mga senador ng tulong sa mga small business owner, mga senior citizen, at mga kababaihan sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Naisakatuparan ang pamamahagi sa suporta nina Tagaytay City Mayor Bambol Tolentino, Imus City Mayor Alex Advincula, 3rd District of Cavite Representative Adrian Jay Advincula, at former 3rd District of Laguna Representative Marisol Aragones. | Shekinah Pamatmat

Post a Comment

0 Comments