By: Joy Esteban/Shekinah Pamatmat
Laguna — Pinangunahan nina Senator Bong Go at Mayor Egay Ramos ang pormal na pagbubukas ng New Municipal Building na may dalawang palapag, sa bayan ng Pila, Laguna. Matatandaan na nagkaroon sa bayan ng groundbreaking ceremony noong May 21, 2021 na kung saan sa inisyatibo ni Senador Bong Go at ng national government ay naisakatuparan na ngayong araw, July 29 ang naturang gusali.
Sa mensahe ni Go, “Masayang-masaya po ako dahil naging parte po ako sa pagpapatayo ng municipal hall. Ito ay dahil po sa sipag at dedikasyon ng ating mayor. Sa ating mga kawani ng bayan ng Pila, sa pamumuno ni Mayor Egay ay alagaan Niyo po ang ating building. Isa lang po pakiusap ko, huwag niyo pong pababayaan ang ating mga kababayang mahirap, welcome po dapat sila lahat dito. Importante rin po na magkaroon kayo komportableng lugar kung saan makatrabaho po tayo ng maayos at makapagserbisyo sa ating mga kababayan. Tulungan po natin ang ating kababayang mahirap dahil tayong nasa gobyerno lamang ang kanilang malalapitan.”
Ayon sa mensahe ng punong lungsod, “Isang pangarap po ang natupad, sa ika-449 na Araw ng Pila, ay nabasbasan na po ang ating New Municipal Building. Napakadami ng kwento ng building na ito, tuwing magkikita kami ni Senador, kinakamusta Niya kung kailan tayo mag-groundbreaking, halagang 70 million po ang naihandog ni Mr. Malasakit. Simbolo po ng bagong pila ang gusaling ito, wala pong ginastos ang pamahalaang bayan dahil galing po lahat sa inisyatibo ni Senador Go. Maraming salamat po Senador.”
Nakasama rin sa programa si Vice Governor Atty. Karen Agapay na pinasalamatan rin ng Senador sa walang sawang pagbibigay suporta sa tuwing siya ay nabisita sa lalawigan. Sina Nagcarlan Mayor Elmor Vita, Majayjay Mayor Romeo Amorado, Lumban Mayor Rolando Ubatay, Paete Mayor Ronald Cosico, mga kapitan, mga empleyado ng munispyo, at mga uniform personnel mula sa PNP at BFP ay saksi rin sa pagpapasinaya.
Nabanggit rin ng Senador na kabilang ang bayan ng Pila sa 13 municipality ng Laguna na pagkakalooban ng Super Health Center na ikinatuwa ng mga mamamayan ng bayang pinagpala. Ang Pila ay mas kilala sa lalawigan bilang “Bayang Pinagpala” dahil ito lamang ang bayan sa Laguna na hindi nasira noong World War II.
0 Comments