Camp BGen Paciano Rizal – Timbog ang Most Wanted Person sa Calabarzon sa pinagsanib na elemento ng Regional Special Operation Unit (RSOU 4A) at ng Sta Maria PNP sa ikinasa nilang manhunt operation kahapon Hulyo 26, 2024.
Kinilala ni PCol. Gauvin Mel Y Unos , Acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office, ang natimbog na si alyas Cecilio residente ng Marikina City.
Base sa ulat ni PMaj. Eviener A Boiser, hepe ng Sta Maria Municipal Police nagsagawa sila ng manhunt operation kabilang ang mga kagawad ng Regional Special Operation Unit (RSOU 4A) kahapon Hulyo 26, 2024 sa ganap na 5:20 ng hapon sa bahagi ng Brgy. Tumana, Marikina City.
Samantalang Ikinasa ang manhunt operation sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 33, Siniloan, Laguna na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Cecilio sa kasong Rape na walang nirerekomendang pyansa at Lascivious Conduct na may kaukulang pyansa naman na aabot sa halagang PhP200,000.00.
Sa pahayag ni Acting Provincial Director Laguna PPO na si PCol. Unos “Patuloy ang mga operasyon ng Laguna PNP laban sa mga nagtatago sa batas, dahil layunin ng Pulis Laguna na makamit ng mga biktima ang hustisyang para sa kanila”. (#gtgtarcita/Kevin Pamatmat)
0 Comments