𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗙𝗼𝗿𝗰𝗲 𝗪𝗲𝗹𝗰𝗼𝗺𝗲𝘀 𝗡𝗲𝘄 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗮𝗻𝗱𝗼𝘀

Sta. Rosa, Laguna – May kabuuang 161 police commando ang opisyal na kabilang sa Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) makatapos ang isang taong kurso sa pagsasanay. Ang SAF Commando Class 123-2023 ay kilala rin bilang mga SULTANS.

Tampok sa seremonya ang pagtatanghal ng mga parangal sa mga nanguna sa kurso, pagbibigay ng SAF Black Beret, pagbibigay ng Commando Badge, at ang ceremonial toast. Ang mga aktibidad na ito ay sumisimbolo sa matagumpay na pagkumpleto ng mga nagsipagtapos sa mahigpit na pagsasanay at kanilang kahandaang sumapi sa hanay bilang “Full Blooded SAF Troopers”.
Si Senador Alan Cayetano ang panauhing pandagal na ginawaran ng honorary membership ng SULTANS bilang pagkilala sa kanyang walang tigil na suporta at pangako sa kapakanan at pag-unlad ng Special Action Force.

Binigyang-diin ni Senador Cayetano ang kahalagahan ng pagkakaisa at ang pananaw sa pagkamit ng makabuluhang pagbabago.

Ayon sa kanyang mensahe, "Kung gusto natin ng pagbabago, kailangan lahat ng sektor. This is what will help the PNP and help the SAF. Pero kung hindi iisa ang vision natin bilang Pilipino, kung hindi natin mamahalin ang batas, wala ring mangyayari sa atin." 

Nagpahayag rin ang Senador ng taos-pusong pasasalamat na maging honorary member ng Class 123-2023 at ng SAF sa kabuuan, at pinahintulutan siyang manumpa ng SAF Black Beret Creed kasama ang mga nagtapos. 
Patuloy ang pangako ng SAF sa pagbuo ng mga police commando na may mataas na kasanayan na nakatuon sa pagprotekta sa bansa at sa mga mamamayan nito. JOY ESTEBAN

Post a Comment

0 Comments