𝐀𝐤𝐚𝐲 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐭𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐲, 𝐈𝐧𝐢𝐥𝐮𝐧𝐬𝐚𝐝 𝐒𝐚 𝐋𝐮𝐧𝐬𝐨𝐝 𝐍𝐠 𝐒𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐛𝐥𝐨
Nanumpa na ngayong araw Mayo 9, 2024 sa AKAY National Political Party ang mga kandidato mula sa Laguna at sa ibang bahagi ng bansa na ginanap sa Palacios, San Pablo, Laguna.
Matapos maaprubahan sa COMELEC ngayong taon ang AKAY National Political Party, ito ay maihahanay na sa ibat-ibang political party sa bansa. Maari na din itong mag nominate ng mga kandidato sa ibat-ibang posisyon sa national. Kabilang dito ang presidente, bise presidente, Senador, maging sa regional at lokal na posisyon ay maari din silang magpatakbo ng kanilang kandidato.
Ang Akay National Political Party o ang Katipunan ng Pag-angat at Pag- yabong ng Bayan ay "Anak ng Laguna."
Bahagi ng adbokasiya ng partido ay akayin ang mga pinaka-nangangailangang sektor ng ating bansa. Kabilang na dito ang mga pwd, solo parents, senior citizens, riders, guro, kawani ng barangay at pamahalaan, kabataan, kalalakihan, lgbt, muslim, kristyano, magsasaka, mangingisda, trasportasyon, turismo at iba pa.
Ayon sa pahayag ni Baguio City Mayor Benjie Magalong na siyang Special Guest sa nasabing programa, “Malaki na po ang naitulong ni Cong. Gob. Sol sa aming siyudad, sa aming mga stroke victims at sa mga PWDs. Kaya binibigay ko po sa kanya ang aking taos pusong suporta.”
Prioridad din ang edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarship, hindi lamang sa matataas ang grado kundi maging sa ang grado ay palakol basta gustong makatapos ng pag-aaral.
Samantala, makikita sa bawat programa at aktibidad ng AKAY na ibilang ang mga local products sa bawat bayan ng Laguna sapagkat naniniwala ang partido na kapag may turismo, may hanapbuhay.
Sa mensahe ni former Congresswoman Sol Aragones, AKAY Chairman, “Ngayong araw po na ito, nabuo ang AKAY National Political Party, naging mahaba ang proseso at magkakasama na po tayong manunumpa. Dala-dala ko po higit na lakas ng loob, dahil ngayon naandito kayo kasama ko at aakay sa akin, sa ating partido.”
Nakasama rin sa programa si Rizal Laguna Vice Mayor Tony Aurelio-Pangulo ng AKAY, Secretary General Doland Castro, MB Peewee Perez, Vice Mayor Luibic Jacob ng Luisiana, Congressman Mike Yatco, Kapitana Jesusa Bungcasan ng Cuyapo Nueva Ecija, mga punongbarangay, kagawad at mga SK sa Laguna, mga kapatirang Muslim, PWD Federation, atbp. (Joy Esteban)
0 Comments