AKAY Ntional Political Party, Inilunsad sa Lunsod ng San Pablo.Laguna

AKAY NATIONAL POLITICAL PARTY, INILUNSAD SA LUNSOD NG SAN PABLO


LAGUNA- NGAYONG ARAW NA ITO IKA-9 NG MAYO 2024 ,ANG PANUNUMPA NG MGA KANDIDATO SA AKAY NATIONAL POLITICAL PARTY. MULA SILA SA LAGUNA AT IBAT IBAT BAHAGI NG BANSA.

ANG AKAY NATIONAL POLITICAL PARTY O ANG KATIPUNAN NG PAG-ANGAT AT PAG- YABONG NG BAYAN AY "ANAK NG LAGUNA."

INAPRUBAHAN ITO NG COMELEC NGAYONG TAON. ANG NASABING PARTIDO AY MAAARING MAG-NOMINATE NG MGA KANDIDATO SA IBAT-IBANG POSISYON SA NATIONAL. KASAMA NA DITO ANG PRESIDENTE AT BISE PRESIDENTE NG BANSA. MAGING SA REGIONAL AT LOCAL NA POSISYON AY MAAARI DIN MAGPATAKBO NG KANDIDATO ANG PARTIDO.

BAHAGI NG ADBOKASIYA NG PARTIDO AY AKAYIN ANG MGA PINAKA-NANGANGAILANGANG SEKTOR NG ATING BANSA.

KABILANG NA DITO ANG MGA PWD, SOLO PARENTS, SENIOR CITIZENS, RIDERS, GURO, KAWANI NG BARANGAY AT PAMAHALAAN, KABATAAN, KALALAKIHAN, LGBT, MUSLIM, KRISTYANO, MAGSASAKA, MANGINGISDA, TRASPORTASYON, TURISMO AT IBA PA.

BITBIT ANG PRINSIPYO PARA SA ISANG MATAPAT, MA-PUSO AT MAY PANININDIGAN SA KATOTOHANAN PARA SA TAO AT SA BAYAN.

PANGULO NG PARTIDO SI VICE MAYOR TONY AURELIO NG RIZAL, LAGUNA. HABANG SI DATING CONGRESSMAN SOL ARAGONES NAMAN ANG CHAIRMAN NITO AT SECRETARY GENERAL ANG DATING REPORTER NA SI DOLAND CASTRO.

ILAN SA MGA ADBOKASIYA NG PARTIDO ANG PAGTATAYO NG TERTIARY HOSPITAL SA LALAWIGAN NG LAGUNA AT TUMULONG SA IBAT IBA PANG PROBINSYA SA LARANGAN NG KALUSUGAN.

PRIORIDAD DIN ANG EDUKASYON SA PAMAMAGITAN NG PAGBIBIGAY NG SCHOLARSHIP, HINDI LAMANG SA MATATAAS ANG GRADO KUNDI MAGING SA ANG GRADO AY PALAKOL BASTA GUSTONG MAKATAPOS NG PAG-AARAL.

MAHALAGA DIN ANG TURISMO SA PARTIDO. NANINIWALA KAMI NA KAPAG MAY TURISMO MAY HANAPBUHAY. SUSUPORTAHAN NATIN MGA LOKAL NA PRODUKTO AT MGA NEGOSYO.

MAHABA PA ANG LAKBAYIN NG AKAY NATIONAL PARTY PERO BASTA SAMA SAMA TAYO SA PAG-AKAY ANG LAHAT NG ATING PANGARAP PARA SA BAYAN AY MAGTATAGUMPAY.

Post a Comment

0 Comments