11 𝘉𝘈𝘙𝘈𝘕𝘎𝘈𝘠 𝘈𝘕𝘎 𝘕𝘈𝘉𝘐𝘎𝘠𝘈𝘕 𝘕𝘐 𝘊𝘖𝘕𝘎. 𝘈𝘔𝘉𝘌𝘕 𝘕𝘎 𝘙𝘌𝘚𝘊𝘜𝘌 𝘝𝘌𝘏𝘐𝘊𝘓𝘌
San Pablo, Laguna — Laguna 3rd District Representative Congressman Amben Amante pormal ng ibinahagi ang First Batch ng Rescue Vehicle sa 11 beneficiary na mula sa kanyang nasasakupan.
Ayon kay Cong. Amben, "Hindi po lamang dito ito matatapos, dahil asahan niyo po na may 2nd at 3rd wave pa ang ating Rescue Vehicle. Nagpasalamat rin ang Kongreso kay House Speaker Martin Romualdez na siyang naging katuwang upang matupad ang hiling ng kanyang mga ka-distrito.”
Labis ang tuwa ng Sangguniang Barangay na nakatanggap ng Rescue Vehicle sapagkat hindi na sila mahihirapan kapag may oras na may pasyente silang kailangang dalhin sa ospital.
Nakasama rin sa turn-over ang City Administrator na si Larry Amante at ang kanyang may bahay. | Shekinah Pamatmat SJ Creates


0 Comments