𝐁𝐚𝐭𝐚𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐧𝐢 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬𝐦𝐚𝐧 𝐀𝐦𝐛𝐞𝐧 𝐀𝐦𝐚𝐧𝐭𝐞

Pebrero 26, 2024 - Tulong pinansyal para sa mga senior citizens, edad 80 pataas!

Isang paraan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga senior citizens, ang isinulong ni Cong. Amben Amante ng 3rd District ng Laguna sa Kongreso na pag aamyenda ng Centenarian Law o Centenarians Act of 2016 na naglalayong mabigyan ng mas malaki at mas maagang cash gift ang mga nakatatanda.

Matapos pirmahan ngayong araw ni Pangulong Bongbong Marcos ay ganap nang batas ang RA No. 11982 o Amendments to the Centenarians Act of 2016 - An Act Granting Benefits to Filipino Octogenarians and Nonagenarians. 

Ang Expanded Centenarian Act ay naglalayon na lahat ng Pilipinong edad 80 pataas, nasa loob at labas man ng Bansa ay makakatanggap ng 𝟏𝟎, 𝟎𝟎𝟎 𝙥𝙞𝙨𝙤 pagsapit sa mga edad na 𝟖𝟎, 𝟖𝟓, 𝟗𝟎 at 𝟗𝟓, samantalang 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐬𝐨 sa aabot na edad ng 𝟏𝟎𝟎. 

Matatandaan na unang inihain ng Kongreso ang House Bill 300 noong Hunyo 30, 2022 na may pamagat na "AN ACT TO AMEND REPUBLIC ACT NO. 10868 OTHERWISE KNOWN AS THE CENTENARIANS ACT OF 2016 AND FOR OTHER PURPOSES". 
via Shekinah Pamatmat

📸📷No copyright infringement intended.🫡

Post a Comment

0 Comments