Sta. Cruz, Laguna — Personal na binisita ni Senator Bong Go, Chair ng Senate Committee on Health, ang pagdiriwang ng 100th Anniversary ng Laguna Medical Center sa Sta. Cruz, Laguna noong Lunes, February 26, 2024.
Ang pangunahing layunin ni Senator Bong Go na makapagpaabot ng serbisyong medikal sa mga kababayan na lubos na nangangailangan. Kaya naman sinuportahan niya ang lahat ng bumubuo ng Laguna Medical Center sa kanilang malaking papel sa pagliligtas sa buhay at pangangalaga sa kalusugan ng kanilang mga pasyente.
Ayon sa mensahe ng Senador, “Mayroon ng 159, 89 sa Luzon, 30 sa Visayas at 40 sa Mindanao na naipatayong Malasakit Center sa buong Pilipinas na handang tumulong sa ating mga kababayan. Batas na po yan, ang dalawa nito ay kabilang ang Laguna, sa Laguna Medical Center at San Pablo General Hospital. Ito ay One-Stop-Shop na dahil nasa loob na ng mga ospital ang mga ahensya ng gobyerno gaya DOH, PHIL HEALTH, PCSO at DSWD.”
Matagal nang isinusulong ni Mr. Malasakit Senator Bong Go ang pagpapatayo ng mas marami pang Super Health Centers sa iba't ibang panig ng bansa upang hindi na kailanganing bumiyahe pa ng matagal ng ating mga kababayan, lalo na ang mga nasa liblib na lugar, para lamang makakuha ng sapat na atensyong medikal.
Binigyang diin ni Senator Go na magkakaroon na humigit 600 na Super Health Center sa Bansa, kabilang na rito ang 13 sa probinsya ng Laguna, Alaminos, Biñan, Cabuyao, Calamba, Mabitac, San Pedro, Sta. Rosa, Calauan, Los Baños, San Pablo, Sta. Maria, Nagcarlan at Pila.
Binisita naman ni Senator Bong Go ang Malasakit Center sa loob ng ospital. Inilunsad dito ang Malasakit Center noong August 13, 2020.
Namahagi rin ang Senador, maging sina Gov. Ramil at Vice Gov. Karen ng lugaw sa mga kababayang nasa ospital, sa mga doctors at nurses, ospital employees, pasyente at sa mga bantay sa pasyente.
Nagbigay pasasalamat sina Gov. Ramil at Vice Gov. Atty Karen Agapay sa inisyatibo ng Senador at ng Gobyerno na patuloy na kumakalinga at sumusuporta sa probinsya ng Laguna.
Labis naman ang kasiyahan ng mga kawani ng ospital gaya nina Provincial Health Office-Head Dr. Rene Bagamasbad at Chief Officer Judy Rondilla sa patuloy na pagsuporta ng gobyerno sa mga ospital upang higit na maging epektibo ang kanilang pagseserbisyo. | Shekinah Pamatmat
#SenatorBongGo
#MrMalasakit
#BisyoAngMagSerbisyo🇵🇭👊🏼
0 Comments