𝐁𝐚𝐧𝐚𝐡𝐚𝐰 𝐀𝐫𝐭𝐢𝐬𝐭 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬𝐢𝐥𝐢𝐩 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐨𝐛𝐫𝐚

Majayjay, Laguna - Sa pagdiriwang ng National Arts Month na may temang ‘’Ani ng Sining, Bayang Malikhain’’ pormal ng binuksan sa publiko ang kauna-unahang Exhibit ng Banahaw Artists Association Inc. araw ng Sabado, Pebrero 17 sa Municipal Hall Anex.


Sa pangunguna ni Mrs. Nanette Amorado, founder ng Banahaw Artists Association Inc.  o BAAI at Municipal Mayor Romy Amorado, at ang iba pang artist ng BAAI ay matagumpay na naidaos ang programa. 

Ang BANAHAW: Sining at Kultura Exhibit ay naglalayong higit na mabigyang kulay ang bayan ng Majajyay. Layunin din nitong makalikom ng pondo para sa mga susunod na proyekto ng nasabing grupo. Ang exhibit ay magtatagal hanggang Pebrero 29, 2024.


Ayon kay Mayor Amorado, ‘’Mabibigyang pagkakataon ang mga talentadong MAJAYJAYEÑO na maipakita ang galing sa sining. Tuloy tuloy naman po ang programa nila at patuloy rin po ang suporta ng ating lokal na pamahalaan sa mga ganitong proyekto.’’


Sa mensahe naman ni First Lady Nannette, ‘’Inaanyayahan ko po ang ating mga kababayan na bumisita dito sa ating exhibit at tunghayan ang mga likha ng BAAI na mga MAJAYJAYEÑO. Ang pondo na malilikom ay 70 at 30 ang hatian, 70% sa artist at 30% sa grupo para sa mga susunod na proyekto gaya ng poster making, workshop at medical mission. Open po ang BHAI para sa mga nais maging miyembro.’’

Nakasama rin sa programa si Vice Mayor Ariel Arcenal Argañosa, Mr. Dennis Villavecer, Executive Asst for Public Affairs kumatawan kay Gov. Ramil, Mr. Peter Uckong, Provincial Division Chief of History, Arts and Culture na kumatawan kay Congresswoman Ruth at ang Majayjay Tourism Head Ms. Maricel Granada. via Shekinah Pamatmat

BAAI Artists: Jimuel Miraber. - Calvert Sobrevinas, Raffielle Arquiza, Veronica Dorneo, Norelyn Codera Dorado, Clark Brent Exequiel Ceria, Jetro Piolo Llagas, John Rell, Christian John Cruz, Jethro Jocson, Freya Freya, Jinggoy Salcedo,Russel Lagubana, Ron Natividad at Michelle Breganza.




Post a Comment

0 Comments