20 Drug Personalities Arestado sa One-Day Anti-Illegal Drug Operations ng Laguna PNP

Laguna PNP-PIO 
Press Release 
Friday, February 23, 2024 

20 Drug Personalities Arestado sa One-Day Anti-Illegal Drug Operations ng Laguna PNP

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang 20 Drug Personalities sa One-Day Anti-Illegal Drug Operations ng Laguna PNP kahapon February 22, 2024 sa pamumuno ni PCOL GAUVIN MEL Y UNOS, Acting Provincial Director, Laguna PPO.

Ang Laguna PNP ay patuloy sa mga operasyon laban sa iligal na droga, sa tulong at kooperasyon ng mga mamamayan, lalong-lalo na ang Barangay Intelligence Network (BIN) sa ibat ibang bayan sa Laguna sa patuloy na pagtutulungan ng mamamayan at kapulisan ay matagumpay na naisasagawa ang mga operasyon.

Ang One-Day Anti-Illegal Drug Operations ng Laguna PNP ay nagresulta sa pagkakaaresto ng 20 drug personalities sa isinagawang 16 na operasyon, kung saan ay nakumpiska ang humigit kumulang na 12.22 gramo ng shabu at 4 gramo naman ng marijuana na may kabuuang halagang aabot sa PhP83,576.00.

Samantala, ang mga arestadong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating units habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Forensic Unit para sa forensic examination. Inihahanda naman ang mga kaukulang dokumento para sa isasampang kaso laban sa mga suspek na paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”. 

Ayon sa pahayag ni PCOL UNOS, “Hindi hahayaan ng Laguna PNP na lumaganap ang bawal na gamot sa lalawigan ng Laguna. Ang pangunahing layunin ng Laguna PNP ay tuluyang mailayo ang mamamayan at lalong higit ang mga kabataan sa mapanganib na iligal na droga” #gtgtalampas
#BagongPilipinas
#SerbisyongNagkakaisaParasaBagongPilipinas
#ToServeandProtect
#ASEANAPOL

Post a Comment

0 Comments