SANTA ROSA ENVIRONMENTAL TESTING LABORATORY, OPERASYONAL NA.


Santa Rosa City --Nagkaroon ng soft launching ceremony ang Santa Rosa Environmental Testing Laboratory  (SRETL) sa pangunguna ng  City Environment and Natural Resources Office (CENRO) nitong Pebrero 19, 2024.

Nakapaloob sa SRETL ang iba’t ibang advanced na teknolohiya at kagamitan tulad ng Inductively Coupled Plasma-Optical Emission Spectrometer (ICP-OES), UV Vis Spectrophotometric Sensors, at Autotitrator na magsusuri sa wastewater samples at ambient water samples ng lungsod. 
Naging posible ang pagkakaroon ng mga angkop na kagamitan sa pakikipagtulungan ng lungsod sa QES Technology Philippines, Inc. na nagsilbing supplier nito. 
Sa ngayon ang mga serbisyong kaya nitong ibigay ay ang pagsusuri ng Physicochemical Parameters ng wastewater samples tulad ng pH, Temperature, Conductivity, Dissolved Oxygen, Odor, Nitrogen (NO3-N), Ammonia (NH4-N), Chloride (CI-), Fluoride (F-). Susuriin din nito ang Heavy Metals tulad ng Cadmium, Copper, Iron, Lead, Nickel, Zinc and Chromium. Ayon naman sa CENRO madadagdagan pa ang mga susuriin ng pasilidad sa lalong madaling panahon.
Ang SRETL  ang kauna-unahang LGU-owned at operated testing facility sa Pilipinas na ipinatayo upang subukin o alamin ang waste water at ambient water sample na mayroon sa lungsod. 
Layunin ng pasilidad na mapangalagaan hindi lang ang kapaligiran kundi maging ang kalusugan ng publiko. Misyon din nitong mangalap ng mga datos na maaaring makatulong sa pagtukoy kung anong mga programang pangkapaligiran ang dapat isagawa upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng ating kapaligiran.

Una nang pinasinayaan ang Santa Rosa Environmental Testing Laboratory noong Hulyo 6, 2021, subalit kinumpleto muna ang mga kinakailangang equipment dito bago ito naging operasyonal. via Roy Tomandao

Post a Comment

0 Comments