𝗔𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟 𝗘𝗫𝗛𝗜𝗕𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡


San Pablo, Laguna - Isang All Star Basketball Exhibition ang matagumpay na naidaos ng Soroptimist International of San Pablo South Gems at ng San Pablo City Government na pinangunahan ni Mayora Gem Castillo at Mayor Vic Amante. 

Mainit at kasiyasiyang fourth quarter run ang pinakawalan ng Team Artista para tuluyang iwan ang Team Kapitan, 83-63. Labis na kilig at galak ang naramdaman ng bawat manonood sa nasabing exhibition. 

Ayon sa panayam kay Mayora Gem, “Hindi lamang ito ang asahan niyo (San Pableño), marami pa tayong gagawin na mga proyekto.“
Nakasama rin sa programa sina Congressman Amben Amante, Vice Gov. Atty. Karen Agapay, Kapitana Madette Amante at ang Sangguniang Panglungsod na nakisaya at sumuporta sa Soroptimist International of San Pablo South Gems. 

Samantala, nagwagi naman ang SPC SK Federation laban sa SPC Integrated National High School, 79-74. Panalo rin ang Dug Out vs. SPC Ravens, 80-77. Ang mga koponan na ito ay naglaro ng 1st at 2nd game.
Nagbigay pasasalamat ang Soroptimist International of San Pablo South Gems na pinangungunahan ni Mayora Gem Castillo para sa mga naging sponsors, sa mga co-artists, mga kapitan at sangguniang barangay, sa mga bumili ng ticket at nanood ng palaro.

Ang All Star Basketball Exhibition ay naglalayon na matulungan at suportahan ang samahan ng San Pablo Women Athletes. via Shekinah Pamatmat



Team Artista
Jojo Abeliana
Jestoni Alarcon
Rey Abeliana
Pekto
Matt Evans
Mark Herras
Joross Gamboa
Wendell Ramos
Jun Nayra

Post a Comment

0 Comments