2 Most Wanted ng CALABARZON Arestado

LAGPIO-FB-0221-2024-04-92

Laguna PNP-PIO 
Press Release 
Wednesday, February 21, 2024 

2 Most Wanted ng CALABARZON Arestado sa magkahiwalay na Manhunt Operation ng Laguna PNP

Camp BGen Paciano Rizal – Arestado ang 2 Most Wanted Person Regional level sa magkahiwalay na manhunt operation ng San Pedro PNP kahapon Pebrero 20, 2024.

Kinilala ni PCOL GAUVIN MEL Y UNOS, Acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office, ang akusado na si alyas Syryl at Rodrigo.

Sa ulat ni PLTCOL TYRONE DG VALENZONA, hepe ng San Pedro Component City Police Station nagkasa ang kanilang mga operatiba ng manhunt operation kahapon Pebrero 20, 2024 sa ganap na 3:00 ng hapon sa Brgy. Riverside, San Pedro City, Laguna.

Ikinasa ang manhunt operation sa  bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 170, San Pedro City, Laguna na nilagdaan naman ni Hon. Nanette Mendoza Austria, Presiding Judge, na nagresulta sa pagkakaaresto ni alyas Syryl na nahaharap sa kasong Rape na walang nirerekomendang pyansa. Nakatala ang akusado bilang most wanted person ng CALABARZON.

Sa isa pang manhunt operation ng Santa Cruz Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ LAURENCE C ABOAC, naaresto si alyas Rodrigo kahapon sa ganap na 4:07 ng umaga sa Brgy Poblacion III, Sta Cruz, Laguna, sa  bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 6, Family Court Sta Cruz Laguna na nilagdaan naman ni HON. SUWERTE L. OFRECIO, Presiding Judge, nahaharap ang akusado sa kasong Rape through Sexual Assault at Acts of Lasciviousness na may nirerekomendang pyansa na aabot sa PhP180,000.00 para sa dalawang kaso. Nakatala ang akusado bilang most wanted ng CALABARZON.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya kanyang operating unit ang mga arestadong akusado. Agad namang inimpormahan ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkakaaresto nito.

Sa mensahe ni Acting Provincial Director ng Laguna PPO na si PCOL UNOS, "Hangad ng inyong kapulisan na maipagkaloob ang hustisyang nararapat para sa mga biktima ng kriminalidad, hindi kami mapapagod sa paglilingkod at pagbibigay ng proteksyon sa ating mga mamamayan dahil iyan ang aming sinumpaang tungkulin#gtgtalampas

#BagongPilipinas
#SerbisyongNagkakaisaParasaBagongPilipinas
#ToServeandProtect
#ASEANAPOL

Post a Comment

0 Comments