LAGUNA -Sa pamamagitan ng DOLE-CALABARZON at ng opisina ni Senador Lito Lapid, nabiyayaan ang may 378 benepisyaryo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced/Disadvantage Workers sa Pakil at Cavinti, Laguna ngayong Miyerkules, Jan. 10.
Ang distribusyon ng pasahod ay pinangunahan nina Pakil Mayor Vince Soriano, Cavinti Mayor Arrantlee Arroyo, DOLE-Laguna provincial director Lorena Gacosta, Erwin Agutaya at Benjie Navea, bilang mga kinatawan ni Supremo.
Sa pamagitan nina Mayor Soriano at Mayor Arroyo, todo pasasalamat sila kay Supremo sa napapanahong biyaya para sa kanilang mga kababayan na nangangailangan.
0 Comments