REP. AMBEN AMANTE, TINIYAK ANG PAGSUSULONG NG MAS MURANG KURYENTE AT MAASAHANG SUPPLY NG ENERHIYA

REP. AMBEN AMANTE, TINIYAK ANG PAGSUSULONG NG MAS MURANG KURYENTE AT MAASAHANG SUPPLY NG ENERHIYA

MAYNILA — Dumalo si 3rd District Representative Amben Amante sa isinagawang budget briefing ng Department of Energy (DOE) upang talakayin at tiyaking ang mga pondong ilalaan para sa sektor ng enerhiya ay magagamit upang makatulong sa pagpapababa ng singil sa kuryente at pagpapatatag ng suplay ng kuryente sa bansa.

Binigyang-diin sa pagpupulong ang pangangailangang magkaroon ng mga konkretong hakbang upang maging mas abot-kaya ang presyo ng kuryente at mapagaan ang gastusin ng bawat pamilyang Pilipino.

Kabilang sa mga dapat pagtuunan ng pansin ang pagpapalawak ng renewable energy projects, pagpapabilis sa pagpapatupad ng mga transmission projects, at pagbabawas ng pag-asa sa mamahaling diesel generation, partikular sa mga off-grid na lugar.

Mahalaga rin, ayon kay Rep. Amante, ang masusing pagsusuri sa mga pass-through charges na direktang nakadaragdag sa electric bills ng mga mamimili. Aniya, kailangang matiyak na bawat singil ay malinaw, makatuwiran at naaayon sa aktuwal na gastos sa paghahatid ng serbisyo.

Layunin ng mga hakbang na ito na makalikha ng isang mas matatag, episyente at sustainable na sistema ng enerhiya na makikinabang hindi lamang ang mga negosyo kundi higit sa lahat ang mga ordinaryong pamilyang Pilipino.

“Mas murang kuryente, mas maaasahang power supply, at mas maginhawang buhay para sa bawat pamilya” ang isa sa mga layuning dapat isulong sa pagpaplano at paggamit ng pondo para sa sektor ng enerhiya.
Ulat ni Roy Tomandao 
Balita Ngayon Online News 

Post a Comment

0 Comments