PANANAW NI ROY TOMANDAO LAHAT NG BAHA, DAVAO ANG MAY SALA? ANONG UTAK MERON KA?

PANANAW NI ROY TOMANDAO
LAHAT NG BAHA, DAVAO ANG MAY SALA? ANONG UTAK MERON KA?

May mga pahayag na kapag narinig mo, mapapaisip ka talaga: “Teka lang… seryoso ba ito?”
Sa isang pagdinig sa Kamara noong Agosto 25, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na ang Davao City umano ang “epicenter” ng flood control bago dumating ang administrasyong Marcos.
Kung ang ibig sabihin nito ay may mga flood-control project sa Davao na kailangang siyasatin, walang masama roon.
Imbestigahan. Suriin. I-audit. Hukayin ang records. Tingnan ang aktuwal na proyekto. Panagutin ang mapapatunayang nagkasala.
Pero ibang usapan kapag ang isang lungsod ay tila inilalagay sa sentro ng buong problema sa flood control ng bansa.
Dito ako napapailing.
Anong utak meron ka?
Hindi ba dapat bago magbitaw ng napakalaking pahayag ang isang institusyong tulad ng Ombudsman, malinaw muna ang ebidensiya?
Ayon mismo sa mga ulat, sinabi ni Remulla na mahirap pasukin ang tinatawag niyang “ecosystem of corruption,” mahirap kumuha ng impormasyon at marami ang hindi nagsasalita. Kasabay nito, sinabi rin niyang pinag-aaralan pa nila ang mga ebidensiya at tinitingnan din ang iba pang lalawigan.
Ibig sabihin, imbestigasyon pa lamang.
Kaya ang tanong:
NASAAN ANG TUNAY NA BATASAN NG FLOOD CONTROL?
At ngayon, habang pinag-uusapan natin ang sinasabing “epicenter” ng flood control sa Davao, may isa pang tanong na hindi dapat takasan:
Ano naman ang masasabi ng Malacañang sa baha na nararanasan NGAYON sa Northern at Central Luzon?
Habang may debate tungkol sa kung saan nagsimula ang problema ng flood-control projects, ang mga ordinaryong Pilipino sa Norte ay nakikipagbuno sa tubig-baha.
Sa kasalukuyan, 15 lalawigan sa Northern at Central Luzon ang inatasan ng Malacañang na magpatupad ng alternative work arrangements dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng Habagat. Kabilang dito ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Kalinga, Mountain Province, Apayao, Batanes, Nueva Vizcaya, Zambales, Tarlac, Pampanga at Bataan.
Kaya ang tanong ko:
Nasaan ang tunay na problema ng flood control?
Kung Davao ang tinatawag na “epicenter” ng mga nakaraang flood-control projects, ibig bang sabihin ay kapag binabaha ang Norte, wala nang kinalaman ang flood-control infrastructure?

Post a Comment

0 Comments