OTS ADMINISTRATOR GILBERTO DC CRUZ, TUMANGGAP NG VACC RECOGNITION.
MANILA — Tumanggap ng Plaque of Recognition si Office for Transportation Security (OTS) Administrator Usec. Gilberto DC Cruz mula sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) bilang pagkilala sa kanyang pamumuno at ambag sa kampanya ng pamahalaan laban sa organisado at transnational na krimen.
Iginawad ang pagkilala kay Cruz sa ilalim ng Law Enforcement Category bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-28 Anibersaryo ng VACC na ginanap sa PNP-MPC, Camp BGen Rafael T. Crame, Quezon City nitong Agosto 28, 2026.
Kinilala ng VACC ang kanyang natatanging pamumuno at kontribusyon sa kampanya ng pamahalaan laban sa organisadong krimen, partikular noong kanyang panunungkulan bilang Executive Director ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Kabilang sa mga binigyang-diin ang kanyang papel sa pangunguna at pagsuporta sa mga operasyon laban sa mga scam hub at cybercrime-related centers, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga operator nito at pagsasampa ng kaukulang mga kasong kriminal.
Kabilang din sa mga tinutukan ng kanyang pamumuno ang pagtugon sa mga ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Pinuri rin ng VACC ang collaborative leadership ni Cruz na nakatulong sa pagpapalakas ng papel ng PAOCC bilang coordinating agency sa whole-of-government approach ng pamahalaan laban sa organisado at transnational na krimen.
Iginawad ang parangal ng mga opisyal ng VACC na pinangunahan nina Chairman Atty. Manuel Obedoza, Jr., President Arsenio “Boy” Evangelista, Jr., at Secretary-General Manjinder “James” Kumar. Dumalo rin sa seremonya si Cabinet Secretary Benhur Abalos.
Ayon sa OTS, ang pagkilalang natanggap ni Cruz ay sumasalamin sa kanyang patuloy na dedikasyon sa serbisyo publiko, integridad, pambansang seguridad at pangangalaga sa kapakanan ng mga Pilipino.
Ang pagkilala ay umaayon din sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na patuloy na palakasin ng mga ahensya ng pamahalaan ang public safety at security at panatilihin ang kanilang pananagutan sa paglilingkod sa bayan.
Bilang OTS Administrator, patuloy namang isinusulong ni Usec. Cruz ang mandato ng ahensya na tiyakin ang isang ligtas, maaasahan at matatag na transportation security environment para sa riding public.
Sa pamamagitan ng mas pinaigting na seguridad, layunin ng OTS na maprotektahan ang mga biyahero at mapanatiling ligtas at secure ang mga sistema ng transportasyon sa buong bansa.
Ulat ni Roy Tomandao
0 Comments