Mas mahigpit na monitoring at targeted na aksyon laban sa child stunting itinutulak ni Cayetano

Mas mahigpit na monitoring at targeted na aksyon laban sa child stunting itinutulak ni Cayetano

Nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Martes ng mas mahigpit na monitoring at mas targeted na aksyon ng gobyerno laban sa child stunting, lalo na sa pagtukoy sa mga batang nangangailangan ng agarang tulong.

Ginawa ni Cayetano ang panawagan sa kanyang interpellation sa Senate Bill No. 2272 o ang Expanded National Nutrition Program Act na isa sa 24 na priority bills na tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC para sa 20th Congress.

Ayon kay Cayetano, isa sa bawat apat na batang Pilipino ang stunted. Dahil dito, tinanong niya kung sapat ba ang kasalukuyang sistema ng gobyerno para matukoy ang mga batang kailangang agad na mabigyan ng intervention.

Matagal nang isinusulong ni Cayetano ang mga hakbang laban sa stunting. Aniya, umaasa ang kasalukuyang surveys sa random sampling para masukat ang lawak ng problema pero hindi nito natutukoy kung sinu-sino ang mga batang nangangailangan ng agarang tulong.

“You can’t keep applying old solutions to new problems even if your new problem is also an old problem,” sabi ng Minority Leader.

“If you want to help them, it’s not enough to have a random sample because you have to know where they live and what their circumstances are,” dagdag niya.

Iginiit din ni Cayetano na dapat mas tutukan ang mga komunidad na may stunting rate na 30 porsyento pataas sa pamamagitan ng mas target na intervention.

Ibinahagi rin niya ang pagkabahala sa PhilHealth coverage para sa ordinary stunting at iginiit na dapat malinaw sa panukala kung aling mga hakbang ang maaari nang ipatupad habang pinag-aaralan pa ang ibang detalye.

“When we cannot be specific, let's be general. Anything that we cannot specify na ito gawin, we’ll talk about it in general. But anything that we can specify, [let’s work on it] to ensure the success of this bill,” sabi niya.

Iminungkahi rin ni Cayetano ang mas maayos na koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno, paglilinaw sa mga terminong ginagamit sa nutrition, at pagpapalakas ng nutrition education para sa mga magulang at mga bata.

Sa kabila ng mga ito, sinuportahan ni Cayetano ang panukala na aniya ay maaaring maging daan para magkaroon ng mas malawak at mas maayos na approach sa nutrition at child health.

“I really support this bill. I really like it when the bills evolve into transformative measures rather than just reactionary. It really goes into [what the] Constitution [states. ] it’s very clear that when you talk about the future, you talk about the children,” wika ng senador.

Ulat ni Roy Tomandao 

BALITA NGAYON ON-LINE NEWS 

Post a Comment

0 Comments