ENCHANTED KINGDOM UNVEILS A MONTH OF MAGIC FOR ELDAR THE WIZARD'S BIRTHDAY
Santa Rosa City, Laguna – Enchanted Kingdom (EK), ang kauna-unahang at tanging world-class theme park sa Pilipinas, ay naghahanda ng isang buwang selebrasyon na puno ng saya at mahika para sa kaarawan ng pinakasikat nitong Storyverse character na si Eldar the Wizard ngayong Hulyo.
Bilang bahagi ng Love Saribuhay campaign ng EK, naghanda ang theme park ng iba't ibang espesyal na aktibidad, promosyon, palabas, at sorpresa para sa mga bisita.
Ang pinakahihintay na Eldar's Birthday Bash ay gaganapin sa Hulyo 25 sa Spaceport Grounds, kasabay ng paggunita sa mahigit tatlong dekada mula nang buksan ang Enchanted Kingdom.
Magtatampok ang pagdiriwang ng makukulay na parada, live entertainment, interactive games, meet-and-greet kasama ang Storyverse characters, exciting giveaways, at iba pang family-friendly activities na tiyak na magbibigay ng kakaibang karanasan sa mga bisita sa lahat ng edad.
Sa loob ng mahigit 30 taon, si Eldar the Wizard ang naging simbolo ng mahika, karunungan, at inspirasyon ng Enchanted Kingdom. Patuloy niyang isinusulong ang mahahalagang pagpapahalaga tulad ng pagmamahal sa Diyos, paggalang, katapatan, integridad, at inobasyon.
Bago ang mismong birthday celebration, inilunsad din ng EK ang Eldar's Birthday Bash Community Outreach Program, kung saan personal na bumibisita si Eldar sa piling foundations at orphanages sa Laguna upang magbahagi ng kasiyahan, espesyal na pagtatanghal, at mga regalo sa mga benepisyaryo.
Maglulunsad din ang EK ng bagong seasonal show na tampok ang lahat ng Storyverse characters sa isang masayang dance party bilang pasasalamat kay Eldar sa kanyang tatlong dekadang pagbibigay ng saya at inspirasyon sa mga Pilipino.
Para sa mga food lovers, maaaring tikman ang Eldar's Meal na eksklusibong inihahain sa Amazon Grill at LaunchTime restaurants. Available rin ang chicken inasal bilang solo meal sa Snaptooth Snack Station, Parkside, at Diggers Treat. Samantala, mananatiling tampok ang Eldar's Purple Brew ng Tropical Coolers bilang paboritong refreshing drink ng mga parkgoers.
Pinalawak din ng Enchanted Kingdom ang koleksiyon ng Eldar merchandise na kinabibilangan ng mga bagong pillows, purses, bags, at iba pang souvenir items.
Mas pinadali rin ang pagkuha ng mga larawan sa pamamagitan ng bagong Face Recognition feature na available sa Rialto 4D Photo Outlet at Eldar's Photo Hub sa Victoria Park.
Nakikiisa rin sa selebrasyon ang iba't ibang in-park partners. Kabilang dito ang Dairy Queen na nagpakilala ng eksklusibong Eldar's Hat Dilly Bar at Purple Yam Blizzard bilang Blizzard of the Month.
Bilang espesyal na regalo sa kaarawan ni Eldar, ibinabalik ng EK ang regular park operating hours na 11:00 AM hanggang 8:00 PM tuwing Biyernes hanggang Linggo hanggang Agosto 30. Simula Setyembre 1, magiging bukas ang parke tuwing Huwebes hanggang Linggo.
Maaari ring samantalahin ng mga bisita ang Eldar's Birthday Bundle mula Hulyo 24 hanggang 26 sa halagang ₱1,400 lamang. Kabilang dito ang isang (1) Regular Day Pass, iba't ibang libreng treats mula sa food at retail outlets, access sa seasonal activities, at eksklusibong reserved seating para sa Eldar's Birthday Bash sa Hulyo 25.
Ulat ni Roy Tomandao
0 Comments