USEC. GILBERTO DC CRUZ, NAKATANGGAP NG MATAAS NA TIWALA AT MAGANDANG PERFORMANCE RATING SA SURVEY NG RPMD

USEC. GILBERTO DC CRUZ, NAKATANGGAP NG MATAAS NA TIWALA AT MAGANDANG PERFORMANCE RATING SA SURVEY NG RPMD

MANILA, Philippines — Nakatanggap ng positibong marka si Office for Transportation Security (OTS) Administrator Undersecretary Gilberto DC Cruz sa pinakabagong “Boses ng Bayan” Index of Governance (IOG) survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

Batay sa resulta ng nationwide survey na isinagawa mula Abril 1 hanggang 8, 2026, nakapagtala si Usec. Cruz ng 63.1% na IOG rating, na binubuo ng 62.8% trust rating at 63.4% performance rating.

Ayon sa RPMD, ipinakikita ng survey ang lumalaking pagpapahalaga ng publiko sa mga opisyal ng pamahalaan na nagpapakita ng pananagutan, mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan, at epektibong pamumuno sa serbisyo publiko.

Bilang pinuno ng Office for Transportation Security, patuloy na isinusulong ni Usec. Cruz ang mga hakbang upang mapalakas ang seguridad sa mga paliparan, daungan, at iba pang pangunahing transport hubs sa bansa. Kasabay nito, muling pinagtibay ng OTS ang kanilang pangako na tiyakin ang kaligtasan at kapanatagan ng mga manlalakbay sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Nagpasalamat naman si Usec. Cruz sa pagkilala at sa patuloy na pagtitiwala ng publiko sa kanyang pamumuno.

“Malaking karangalan para sa amin ang naturang pagkilala at ang patuloy na suporta ng mamamayan. Lalo nitong pinatitibay ang aming determinasyon na panatilihin ang pinakamataas na antas ng propesyonalismo, integridad, at kahusayan sa aming tungkulin upang matiyak na maaasahan ng bawat Pilipino ang ligtas, panatag, at maayos na serbisyo sa transportasyon,” pahayag ni Usec. Cruz.

Dagdag pa niya, magsisilbing inspirasyon ang naturang pagkilala upang higit pang pagbutihin ng OTS ang kanilang serbisyo at ipagpatuloy ang mga programang naglalayong mapanatili ang mataas na antas ng seguridad sa sektor ng transportasyon.

Patuloy namang inaasahan ng publiko ang mga hakbangin ng OTS sa pagsusulong ng ligtas at episyenteng sistema ng transportasyon para sa lahat ng Pilipino.

Ulat ni: Roy TomandaoBALITA NGAYON ONLINE NEWS

Post a Comment

0 Comments