ANIM NA PASABOG NA PROGRAMA NI GOB SOL PARA SA 2026

ANIM NA PASABOG NA PROGRAMA NI GOB SOL PARA SA 2026

LAGUNA -Ipinahayag ni Sol Aragones, Gobernador ng Lalawigan ng Laguna, ang anim na pangunahing programang nakatakdang ipatupad sa taong 2026 na layong palakasin ang serbisyong pangkalusugan sa buong lalawigan. Inanunsyo ito ng gobernador sa pamamagitan ng kanyang opisyal na Facebook account. 🏥✨

Ayon kay Governor Aragones, unang bubuksan ang libreng MRI services sa Laguna Medical Center o Laguna Provincial Hospital, na inaasahang mapapakinabangan ng mga Lagunense nang walang bayad. Dagdag pa niya, ito ay panimula pa lamang at susundan ng paglalagay ng MRI sa iba pang pampublikong ospital ng lalawigan. 🧠🔍

Ikalawang programa ang paglalagay ng CT Scan machines sa San Pablo City District Hospital, JP Rizal Hospital sa Calamba, at Laguna Medical Center. Lahat ng ito ay magbibigay ng libreng serbisyo upang mas mapabilis at mapahusay ang diagnosis ng mga pasyente. ⚙️🩺

Pangatlo, magkakaroon na rin ng libreng laboratory tests sa pamamagitan ng iba’t ibang partner na pagamutan ng pamahalaang panlalawigan. Hinihikayat ang publiko na hintayin ang opisyal na anunsyo kaugnay ng iskedyul at mga detalye ng serbisyong ito. 🧪📋

Pang-apat, kukumpletuhin ang AKAY NI GOB BOTIKA sa lahat ng 24 munisipalidad at 6 na lungsod ng Laguna upang masigurong may abot-kayang gamot na magagamit ng mga mamamayan saan mang bahagi ng lalawigan. 💊🏘️
Panglima, titiyakin ng pamahalaang panlalawigan ang pagkakaroon ng anti-venom sa lahat ng pampublikong ospital na nasa ilalim ng pangangasiwa ng provincial government bilang paghahanda sa mga emerhensiyang dulot ng kagat ng makamandag na hayop. 🐍🚑

At pang-anim, inanunsyo ni Governor Aragones na siya ay personal na mag-oopisina at maglilibot sa lahat ng pampublikong ospital sa lalawigan upang matutukan ang mga pangangailangan at agarang masolusyunan ang mga problema ng mga pasilidad pangkalusugan. Humiling naman ang gobernador ng kaunting pasensya at pakikiisa ng publiko, sabay giit na “swerte ang taong 2026” dahil unti-unti ngunit tiyak na maisasakatuparan ang mga programang may solusyon para sa Lalawigan ng Laguna. 💙🏥

#AnimNaPasabogNaPrograma
#GobSolAragones
#Laguna2026
#ProgramangMaySolusyon
#SerbisyongPangkalusugan
#LibrengMRI
#LibrengCTScan
#LibrengLaboratoryo
#AkayNiGobBotika
#AntiVenomSaOspital
#PublicHealthParaSaLahat
#SerbisyongLagunense
#TatakGobSol
#KalusuganUnaSaLaguna

Post a Comment

0 Comments