MAKASAYSAYANG PANUNUMPA NI GOVERNOR-ELECT SOL ARAGONES SA ISANG BARANGAY CHAIRMAN SA FAMY, LAGUNA
FAMY, LAGUNA — Isang makasaysayang panunumpa ang ginawa ni Laguna Governor-Elect Sol Aragones sa Barangay Kapatalan, bayan ng Famy, sa pangunguna ni Barangay Chairman Anselmo Coronoda.
Sa okasyon, pormal na ipinakilala ni Governor-Elect Sol ang kanyang Provincial Administrator na si Gerry Pelayo, dating Mayor ng Candaba, Pampanga, at ang kanyang Chief of Staff na si Dir. Ronald Barsena.
Sa kanyang mensahe sa panunumpa, sinabi ni Governor-Elect Aragones: "May dahilan kung bakit ako napadpad dito sa Barangay sa Famy, Laguna. Nais kong maging simple ang panunumpa. Pinili ko ang lugar na ito dahil gusto kong makita at paunlarin ang turismo sa Laguna. Layunin kong magkaroon ng komprehensibong Tourism Master Plan ang ating lalawigan."
Binigyang-diin ni Aragones na nais niyang palawakin ang turismo sa Laguna: "Kapag may turismo, may trabaho. Inaayos din namin ang Akay Sol Botika sa buong Laguna. Ako mismo ang pupunta sa mga barangay para alamin ang kanilang mga pangangailangan."
Nagbigay din ng mensahe ang host town Mayor Lorenzo Reliosa ng Famy, kasama ang kanyang Vice Mayor Fred Balawit.
Ang oath-taking ay dinaluhan nina 4th District Congressman Benjie Agarao, 4th District Board Member Jam Agarao, Rizal Vice Mayor Tony Aurelio, at San Pedro City ABC President Jun Ynion.
"Ang pagkapanalo ko ay misyon ko para sa tao sa lalawigan ng Laguna," pagtatapos ni Governor-Elect Sol Aragones.
Ulat ni:Roy Tomandao
0 Comments