GOVERNOR-ELECT SOL ARAGONES, MABILIS NA TUMUGON SA SUNOG SA STA CRUZ PUBLIC MARKET
STA CRUZ LAGUNA --Agad na sumugod si Laguna Governor-elect Sol Aragones sa naganap na sunog sa public market ng Sta Cruz, Laguna Ngayon umaga May 23,2025. Kasama niya sina Sta Cruz Mayor-elect Benjo Agarao, 4th District Congressman Benjie Agarao, at Laguna 4th District Board Member-elect Jam Agarao upang personal na tingnan ang sitwasyon at alamin ang kalagayan ng mga biktima.
Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog bandang alas-5 ng umaga at naapula lamang ito ng alas-9 ng umaga. Tinamaan ng insidente ang halos 300 na stall owners sa nasabing pamilihan.
"Nakikiramay kami sa lahat ng naapektuhan ng sunog. Titiyakin namin na makakatanggap kayo ng agarang tulong mula sa pamahalaang panlalawigan," pahayag ni Governor-elect Aragones habang nakikipag-usap sa mga naapektuhang negosyante.
Nangako si Mayor-elect Benjo Agarao na gagawin ng lokal na pamahalaan ang lahat upang matulungan ang mga biktima na makabangon muli. "Magkakaroon tayo ng agarang assessment at magbibigay ng tulong para sa mabilis na rehabilitasyon ng public market," aniya.
Samantala, nagpahayag naman si Congressman Benjie Agarao na makikipag-ugnayan siya sa national government agencies para sa karagdagang tulong at suporta sa mga naapektuhan.
Nakatakda ring magpapatawag ng emergency meeting ang mga opisyal para sa agarang aksyon at pagbubuo ng komprehensibong plano sa rehabilitasyon ng nasalantang pamilihan.
Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog habang sinisimulan na ang damage assessment sa lugar.
0 Comments