MAYOR JOY BELMONTE HINIMOK ANG MGA RESIDENTE AT LOCAL LEADERS NG QUEZON CITY NA GAWING NUMBER ONE SENATOR SI MAYOR ABBY BINAY

MAYOR JOY BELMONTE HINIMOK ANG MGA RESIDENTE AT LOCAL LEADERS NG QUEZON CITY NA GAWING NUMBER ONE SENATOR SI MAYOR ABBY BINAY

Mainit na sinalubong ng mga residente at lokal na opisyal ng Quezon City, sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte, si senatorial candidate at Makati Mayor Abby Binay sa kanyang pagbisita sa Quezon City Hall nitong Lunes.

Hinikayat ni Belmonte ang kanyang constituents na gawing number one senator sa Quezon City si Binay. Aniya, tiwala siya sa karanasan at kakayahan ng alkalde ng Makati bilang isang abogado, congresswoman, at mayor.

Sa kanyang mensahe sa mahigit 1,500 na kalahok sa Kababaihan Dance Competition, sinabi ni Binay na maituturing na "Superwoman" ang bawat isa dahil kinakayang gampanan ang iba't ibang tungkulin nang sabay-sabay. 

Tinukoy din nya ang mga hamong nalagpasan ng mga babaeng mayor tulad nila ni Mayor Belmonte bilang patunay na pwedeng balansehin ang career at pagpapamilya.


Nangako rin ang alkalde na isusulong ang regular na pasahod sa mga opisyal at kawani ng barangay sa halip na honoraria, at ang security of tenure para sa trained barangay health workers.

Mainit ding tinanggap ng local officials at mahigit 2,000 kasapi ng iba't civil society organizations sa Quezon City si Binay. 

Tiniyak niyang isusulong niya ang libreng maintenance medicines at ang pagsama ng preventive healthcare sa PhilHealth coverage.

Sumali rin si Binay sa pagpupulong ng may 1,000 urban farmers kung saan pinuri niya ang Quezon City Government para sa tuloy-tuloy na pagsuporta sa urban farming. Mahalaga aniyang mapagyaman ang lupaing pangagrikultura ng lungsod para matiyak ang food security.

Pagtitiyak ni Binay, makakaasa silang laging handang tumulong ang Makati sa kanila dahil sila ay isang pamilya sa Metro Manila. 
✍️Admin Roy Tomandao 

Post a Comment

0 Comments