SUPORTA NI CAYETANO SA KABUHAYAN AT KASANAYAN SA LAGUNA



*SUPORTA NI CAYETANO SA KABUHAYAN AT KASANAYAN SA LAGUNA.*

 LAGUNA -Dalawang mahahalagang programa ang dinala ng tanggapan ni Senador Alan Peter Cayetano sa Laguna nitong January 20, 2025. Sa Biñan, 100 nagsipagtapos mula sa TESDA Special Training for Employment Program (STEP) ang pinarangalan sa isang seremonya sa Xavier Technical Training Center. 

Limampu sa mga ito ang nagtapos sa Driving NC II, at 50 rin ang nakatapos sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II. Kasama sina School Administrator Gertie Quintela at Julius Espinosa, na kinatawan ni Representative Len Alonte, ikinagalak ng mga nagsipagtapos ang mga kasanayang kanilang natutunan, na ngayon ay magagamit nila para sa mas maayos na hanapbuhay. 
Sa Halang, Laguna naman, nagbigay ng tulong ang tanggapan ni Cayetano, kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa 150 benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP), na karamihan ay mula sa sektor ng kababaihan. 

Ang inisyatibong ito ay sinuportahan nina Laguna Governor Ramil Hernandez, Laguna Second District Representative Ruth Hernandez, at mga opisyal ng DSWD Region 4-A. Layunin ng programa na bigyan ang mga benepisyaryo ng dagdag na kaalaman at suporta para sa kanilang araw-araw na pangangailangan. Pagpapatunay ang mga programang ito sa patuloy na pagsusumikap ni Cayetano na bigyan ang mga Pilipino ng mas maginhawang buhay sa pamamagitan ng edukasyon at kabuhayan.

Post a Comment

0 Comments