1.3 𝙈𝙄𝙇𝙔𝙊𝙉𝙂 𝙃𝘼𝙇𝘼𝙂𝘼 𝙉𝙂 𝙄𝙇𝙄𝙂𝘼𝙇 𝙉𝘼 𝘿𝙍𝙊𝙂𝘼 𝙆𝙐𝙈𝙋𝙄𝙎𝙆𝘼𝘿𝙊 𝙎𝘼 𝘽𝙐𝙔 𝘽𝙐𝙎𝙏 𝙊𝙋𝙀𝙍𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙎𝘼 𝙎𝙄𝙉𝙄𝙇𝙊𝘼𝙉 𝙇𝘼𝙂𝙐𝙉𝘼


1.3M Halaga ng Iligal na Droga Kumpiskado sa  isang High Value Individual sa Ikinasang Buy-Bust Operation ng  Siniloan Pulis


Isang High Value Individual (HVI) Ang agad naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng Siniloan Pulis at nakumpiska sa suspek ang mahigit  1.3M na halaga ng hinihinalang shabu kahapon January 13, 2025.

Kinilala ni Laguna Police Provincial Director PCOL RICARDO I DALMACIA ang suspek na si alyas Marvin residente ng Siniloan, Laguna.

Sa ulat ng Siniloan PNP sa pamumuno ni PMAJ FERNILDO R DE CASTRO, nagkasa ang kanilang mga operatiba ng buy-bust operation kahapon January 13, 2025, dakong 5:42 ng hapon sa Brgy. Wawa, Siniloan, Laguna, na nagresulta sa pagkakaaresto sa nasabing suspek. 

Makaraang maaresto ang suspek ay nakumpiska sa kaniyang pag-iingat ang limang (5) piraso ng plastic sachet at  dalawang (2) knot tied transparent plastic sachet na pawang naglalaman ng hinihinalang shabu, 
na may kabuuang timbang humigit kumulang  200 grams at may Standard Drug Price (SDP) na aabot sa PhP 1,360,000.00, dalawang (2) piraso ng authentic PhP 1,000.00 peso bill, sampung (10) piraso ng one thousand peso boodle money, isang (1) PhP 1,000.00 peso bill ginamit na buy bust money at isang kulay Gray sling bag.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Siniloan MPS ang arestadong suspek habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa isasampang kaso laban sa kanya na paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

I commend our personnel’s efforts in this operation. Bilang bagong Ama ng Laguna PPO, makakaasa ang ating mamamayan na ang buong puwersa ng Laguna Pulis ay patuloy na gagampan sa aming mga sinumpaang tungkulin. Palalawakin pa namin ang mga operasyon laban sa iligal na droga at maging sa lahat ng uri ng kriminalidad, upang matiyak ang seguridad, katahimikan at kaligtasan ng bawat isa.” Pahayag ni PD DALMACIA.
(#gtgsabeniano/Kevin Pamatmat)

Post a Comment

0 Comments